^

Bansa

Sa Pinoy sa Saudi Bitay itinakda na

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinakda na ang bitay sa Overseas Filipino Workers (OFW) na si Joselito Zapanta matapos mabigo ang kanyang pamilya na maibigay ang hinihinging P45 milyong blood money ng pamilya ng kanyang biktima sa Saudi Arabia.

Ayon kay Vice President Jejomar Binay, tanggap na ni Zapanta ang kanyang magiging kapalaran sakaling matuloy ang pagbitay sa kanya na itinakda anumang araw ngayong Nobyembre.

“I was also informed that Zapanta has said that he is ready to face his fate. The embassy team had also observed that he seemed relaxed and had been talking to his fellow inmates,” ani Binay.

Tumanggi si Binay na ihayag ang nakatakdang petsa o araw ng pagbitay kay Zapanta.

Sa kabila nito, sinabi ni Binay na patuloy na nagsusumikap at nakikipag-ugnayan ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh upang makipag-usap sa mga opisyales ng Saudi upang mahimok ang pamilya na magbigay ng extension para makalikom ang pamilya-Zapanta ng nasabing blood money matapos na magtapos ang deadline nitong Nob. 3.

Umaasa si Binay na kahit sa huling pamamaraan ng pamahalaan ay mapapayag ang Saudi government at pamilya ng Sudanese national na napatay ni Zapanta na magbigay ng panibagong reprieve.

Sinabi ni Binay na hiniling na ng Embahada sa Sudan government na kausapin ang pamilya ng biktima para sa hinihinging extension at mapababa ang halaga ng blood money.

Mula sa 4 milyong SAR na demand ng pamilya ng biktima, nakalikom lamang ng SAR 520,831 ang pamilya Zapanta at pamahalaan.

vuukle comment

AYON

BINAY

EMBAHADA

ITINAKDA

JOSELITO ZAPANTA

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PAMILYA

SAUDI ARABIA

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

ZAPANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with