Pinoy na dumanas ng gutom dumami – SWS
MANILA, Philippines — Tumaas sa 14.2 percent ang bilang ng mga pamilyang Pinoy na dumanas ng gutom sa bansa, batay sa latest survey na naipalabas ng Social Weather station na ginawa noong March 2024.
Ang naturang porsyento ay mataas sa 10.7 percent annual hunger rate noong 2023 ng mga pamilyang gutom at walang makain.
Ayon sa SWS, sa 14.2% ay kabuuang 12.2% ng pamilyang Pilipino ang dumanas ng “moderate hunger” ng may ilang beses sa nagdaang tatlong buwan at 2 percent naman ang “severe hunger” o madalas ay dumaranas ng gutom.
Ang moderate at severe hunger nitong March 2024 ay mas mataas noong December 2023 na pumalo sa moderate hunger na 11.2% at severe hunger na 1.6 percent.
Ang hunger rate sa Metro Manila ang pinaka mataas sa 19%, kumpara sa 12.7% hunger rate sa NCR noong December 2023.
Sinundan ito ng Balance Luzon, 15.3%; Visayas, 15% habang ang Mindanao ang nagtala ng pagbaba ng hunger rate na 8.7% noong March 2023 mula sa 12% noong December 2023.
Ang survey ay ginawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adults.
- Latest