Karen, naglabas ng galit!

Ramdam ang galit ni Karen Davila sa kanyang post sa X tungkol sa isyu ng Machong Chismisan. Hindi lang kasi si Joshua Aquino ang kinutya ng limang hosts, pati ibang special child.
“This is the kind of extremely stupid, ableist and uninformed level of banter that should not be given any kind of airtime or platform in today’s world,” bahagi ng post niya.
Sa isa pang post, makikita si Karen kasama si Josh at ang anak niyang si David na special child din. “My son David & Josh are almost the same age. They knew each other as kids. We bumped into Josh recently and he has grown to become one of the kindest and sweetest of humans.
“Thank God kids in the spectrum - like David & Josh - only see the world with purity, innocence and love. They always see the best in everything and everyone.”
Marjo, apektado ng network war!
Nahulaan ng fans na ang post ni Mommy Guard (MG) director Roman Perez Jr. na “Yes, May Network War. Nakakansel ang mga Mommy Guard cast sa ibang network. Ganda,” ay patungkol sa promo ng comedy show nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.
Ang paniwala ng fans, hindi nakapag-guest ang cast ng MG sa It’s Showtime at Gandang Gabi Vice dahil hindi pumayag ang GMA. Collab daw ng ABS-CBN at GMA ang dalawang shows at may show ang Kapuso na katapat ng show nina Jolina at Marvin.
Sabi pa ng fans, dapat alam ito ni Direk Roman at ng production ng MG at hindi na i-schedule ng guesting ang cast ng MG kahit sa It’s Showtime. Matagal nang isyu ito at kahit sabihin pang wala nang network war, hindi pa rin ito maiiwasan.
Dahil sa isyung ito, umingay uli ang panawagan ng Kapamilya fans na umalis na sa GMA ang It’s Showtime para libreng nakakapag-promote ng shows ang Kapamilya stars kahit sa TV5 airing ang shows nila.
Alice, pinakita na ang hitsura ng anak
Ipinakita na ni Alice Dixson ang mukha ng kanyang daughter at kahit side pa lang ng mukha ng anak ang ipinasilip, ang ganda ng mukha ng bata.
Sa isa sa mga latest post ni Alice sa Instagram, mas maraming photos ang anak na si Aura na dinala niya sa doctor nito for a check up.
Mestisa ang bata at kamuka ni Alice. Hindi lang kami sure, kung ilang taon na ito, pero malaki na siya at ilang years pa, baka puwede na ang full face reveal. Sa caption ni Alice na “Doc Ayeee Weeee loveeeee uuu. U are the besht pedia in da world. Always there when are sick and make us well again,” marami ang nag-react.
- Latest




















