^

Pang Movies

MJ Marfori, pinasok ang wellness industry

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mula sa telebisyon at entertainment hanggang sa fitness, lifestyle at real estate, nagsanib-puwersa ang dating TV5 co-anchor, commercial model at entrepreneur Marga Arenas Vargas; entertainment journalist at television host MJ Marfori; executive at reality show winner JR Marfori; at batang negosyante at luxury real estate broker Mikee Arenas upang pasukin ang patuloy na lumalaking health and wellness industry sa pamamagitan ng paglulunsad ng Gutta Glow.

Pinagsama ng apat na founders ang kanilang magkakaibang karanasan sa media, fitness at wellness, lifestyle, hospitality at negosyo kung saan mahigit isang taon nilang binuo ang Gutta Glow katuwang ang mga eksperto sa industriya.

Iisa ang kanilang layunin – makalikha ng wellness products na masarap, madaling isama sa aktwal na lifestyle, at makapagbibigay ng magandang pakiramdam sa mga mamimili habang gumagawa ng mas mabuting pagpili para sa kanilang sarili.

Ito aniya ay isang functional beverage brand na layong gawing mas simple, mas masarap at mas madaling isama sa pang-araw-araw na lifestyle ang wellness.

“Hindi namin gustong gumawa ng isang produkto dahil lamang uso ang wellness. Gusto naming lumikha ng isang bagay na kami mismo ay gustong inumin at isama sa aming pang-araw-araw na routine,” say ni Ms. Marga.

Dagdag pa niya, personal para sa kanila itong Gutta Glow matapos ang mahigit isang taon ng pag-aaral, pagsubok at pagbuo ng mga produkto upang makasiguro silang mayroon silang tatak na maaari nilang panindigan.

Para naman kay MJ, nagsisilbing bagong kabanata ang negosyo bukod sa kanyang trabaho sa newsroom at television studio.

“Sanay akong magkuwento ng kuwento ng ibang tao, pero ngayon, kaming apat naman ang bumubuo ng sarili naming kuwento,” pahayag ni MJ.

Aniya, nais nilang ipakita na ang pag-aalaga sa sarili ay hindi kailangang maging mahirap o dagdag na gawain sa isang abalang buhay.

Kabilang sa unang lineup ng Gutta Glow ang Honey Lemon Iced Tea, French Vanilla Coffee at Spanish Latte – mga pamilyar at patok na flavors na sinamahan ng piling functional ingredients.

Depende sa variant, kabilang sa formulations ang mga sangkap gaya ng inulin, green tea extract, green coffee extract, L-carnitine, garcinia cambogia, berberine extract, immuse® LP20, hydrolyzed collagen, reduced L-glutathione, skim milk, whey protein at stevia extracts.

At in all fairness, ang sarap ng mga ito nung natikman namin sa ginanap na media launching sa Rockwell last week.

Ayon pa kay MJ na kung pakikisama ang usapan, winner siya, simple lang ang konsepto ng kanilang negosyo – ang pagsamahin ang functional wellness sa mga inuming matagal nang kinagigiliwan ng mga Filipino, gaya ng refreshing drinks at kape.

At sa halip aniya na ituring ang wellness bilang isang “all-or-nothing” lifestyle, layunin ng brand nila na gawing mas madali, mas enjoyable at mas accessible ang paggawa ng mas maingat na mga pagpili sa araw-araw.                                                     

MJ MARFORI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with