Mayor Baste walang alam sa mga negosyo ni VP Sara

MANILA, Philippines — Walang alam si Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte at maling ang ibang opisyal ng lokal na pamahalaan hinggil sa kaugnayan ni Vice President Sara Duterte sa Gencorp Industries Incorporated.
Sa pagharap ni Mayor Duterte bilang hostile witness sa impeachment complaint ng kapatid, sinabi nito na napigilan sana at hindi niya pinayagan ang pamahalaang lungsod na magbigay ng mga kontrata sa nasabing kumpanya kung alam niya ito.
Inamin ni Baste na umabot sa 33.2 million pesos ang transaksyon ng lokal na pamahalaan ng Davao sa Gencorp kaugnay sa 19 na kontrata.
Ibinahagi rin ng alkalde na hindi rin lumalabas ang pangalang Sara Zimmerman Duterte o kahit ang kanyang apelyido sa anumang official documents na isinumite ng Gencorp Industries Inc. sa mga kontrata.
Binigyang-diin ni Baste na sumasailalim sa evaluation ang Gencorp tuwing magkakaroon ito ng transaksyon sa lokal na pamahalaan.
Nanindigan si Baste na lahat ng transaksyon nila sa korporasyon ay dumaan sa tamang proseso.
- Latest



















