^

True Confessions

Suklam (63)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Sorry kung naita­nong ko iyon, Brent,’’ sabi ni Julio sa mababang tinig.

“Okey lang Julio,’’ sagot ni Brent at bumuntunghi­ninga nang malalim. Pagkaraan ay sinagot ang tanong ni Julio.

“Wala na kaming­ balita sa kanya. At wala na ka­ming interes pang malaman kung ano ang nangyari sa kanya,’’ sabi ni Brent at bumuntunghininga uli.
Hindi na sinundan pa ni Julio ang pagtatanong. Ayaw na niyang salingin pa ang sugat ni Brent na sa palagay niya ay hindi pa naghihilom.

“Salamat uli sa pagpa­paunlak mo na makausap kita Brent. Ngayon ko talaga nalaman na tunay kang ka­ibigan. Totoo ang kasabihan na ang tunay na kaibigan ay yung sumasama sa’yo sa lahat ng panahon.’’

“Salamat din, Julio. Na­ramdaman ko rin kasi ang naramdaman mo. Kung ikaw ay pinagtaksilan ng asawa, ako naman ay nakaranas na pagmalupitan ng taksil na ina. Pinagmalupitan ako dahil nabuking ko ang kan­yang kataksilan.’’

“Ikaw lang ang tanging dumamay sa akin, Brent. Kaya malaki ang paghanga ko sa’yo Brent.’’

“Pero may nilihim din ako sa’yo Julio. Sana noon pa ay sinabi ko na sa’yo.’’

“Ano yun, Brent?’’

“Noon pa, may napapansin na ako kay Vivian at sa lalaki niya pero hindi ko nagawang ipagtapat sa’yo. Pinayuhan din ako ni Tatay na huwag kong sabihin sa’yo ang napapansin dahil baka kung ano ang iyong gawin kapag nalaman mo. Hayaan ko na raw na sa iba magmula ang pagtataksil na ginagawa ng iyong asawa. Iyon ang nagawa kong paglilihim. Sori, Julio.’’

“Okey lang yun. Hindi yun kasalanan. Siyempre­ natatakot ka na baka ma­patay ko si Vivian at kalaguyo niya—huwag kang ma­konsensiya roon.’’

“Salamat, Julio.’’

“Ang mahalaga ngayon, hindi ko nadungisan ang kamay at malinis ang aking pagkatao,’’ sabi ni Julio.

(Itutuloy)

vuukle comment

BRENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with