^

True Confessions

Suklam (32)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

SERYOSO sa pagsa­salita ang tatay ni Brent. Bakas sa boses ang pag-aalala nang ma­laman na gustong isumbong ni Brent sa mister ang nangyayaring katak­silan ng asawa.

“Huwag mo nang pakialaman, Brent. Hayaan mo ang ginagawa nila. Masunog man sila sa impiyerno sa ginagawa, e bahala sila. Baka kasi, may masama pang mang­yari sa iyo. Umiwas ka Brent na masangkot,’’ sabi ng tatay niya.

“Naaawa kasi ako sa mister ’Tay—kay Sir Julio—mabait kasi siya.’’

“Alam ko ang nasa damdamin mo, Brent. Nararamdaman ko ang nararamdaman mo. Pero, huwag ka nang maki­alam—hayaan mo na ang mister ang makatuklas ng kataksilan.’’

“Balak ko ‘’Tay, ipada­dala ko kay Sir Julio ang mga nakuha kong pictures—para mabigat ang ebidensiya.’’

“Huwag na. Hayaan mo na lang ang mister ang makatuklas.’’

Tinitigan ni Brent ang kanyang tatay. Nasa mukha nito ang pag-aalala.

“Pakinggan mo ako, Brent.’’

Tumango si Brent.

“Sige ’Tay.’’

“Salamat anak. Ayaw kong may mangyari sa’yo na ang pinagmulan ay ang pangangalunya.

Tama na ang mga nangyari.’’

Napatitig si Brent sa kanyang ama.

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with