^

True Confessions

Dioscora (214)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“GUSTO ko na ring matapos ang kagu­luhang ito sa aking buhay,’’ sabi ni Tatay SP.

“Kaya kung tama ang kutob ko na patay na si Dioscora, matutuwa ako nang labis. Kapag patay na siya isa lamang ang ibig sabihin, tapos na rin ang masasalimuot o ba­ngungot sa aking buhay.

“Kung patay na si Dios­cora, wala nang magta­tangkang gumulo sa aking­ apo na si Shappira. Kahit wala nang alam si Shappira ukol sa kanyang mama, hindi pa rin ako nakakasiguro na hindi ma­­gugulo ni Dioscora ang aking apo. Ay iyan ang ayaw kong mangyari na bigla siyang susulpot at guguluhin ang aking apo. Ayaw kong maging magulo ang buhay ni Shappira kaya nga sa ibang bansa ko siya pinalaki at pinag-aral.

“Kung patay na ang ba­baing yun, saka pa lamang ako ganap na ma­tatahimik at mapapayapa ang isip. Kaya idinadala­ngin ko na sana ay patay na si Dioscora. Sana, wala na ang salot sa aking buhay,” sabing may diin ni Tatay SP.

Noon nagkaroon ng lakas ng loob si JC na magbigay ng opinyon.

“Paano po kung buhay pa siya at naghihintay lamang ng pagkakataon?’’

Tumitig si Tatay SP kay JC.

Nanunuot sa pagkatao ang pagkakatitig ng ma­tanda.

Itutuloy

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with