^

True Confessions

Suklam (108)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG araw ng Sabado, walang pasok si Brent at kukuya-kuyakoy sa salas. Ang kapatid niyang si France ay wala ring pasok sa trabaho pero maagang naligo at nagbihis. Dadalaw daw siyota nito.

Nang matapos ang tatay ni Brent sa ginagawa sa kusina ay nakipagkuwen­tuhan ito sa kanya.

“Ano na nga palang nangyari sa kaibigan mong si Julio?’’ tanong ni Tatay.

“Wala pa akong ba­lita sa kanya, ‘Tay. Huling pag-uusap namin ay ‘yung may sinabi siya tungkol sa asawa niya. ‘Yung iki­nuwento ko sa’yo minsan—na gumawa muli ng kasalanan ang asawa. Mula nun, hindi pa kami nagkakausap.”

“Ano na kayang nang­yari sa kanya?’’

“Siguro naman e okey na siya, ‘Tay.’’

Napatango ang tatay niya.

Maya-maya, binago nito ang usapan.

“Kailan ka ba mag-a­asawa, Brent? Baka maunahan ka pa ng kapatid mo.’’

“Mag-aasawa agad e wala pa nga akong nililigawan.”

“Bakit?’’

“Wala pang makita.’’

“Hindi ka naman yata naghahanap paano ka ma­­kakakita.”

“Natatakot kasi ako ‘Tay.’’

“Bakit?’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with