^

True Confessions

Dioscora (138)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

PINAG-IISIPANG ma­buti ni JC ang mga si­nabi ng manager ukol sa may-ari ng kompanya. Matulu­ngin umano ang may-ari at may pinaaaral na mahihirap na estudyante na masisipag mag-aral. At halos lahat ng mga scholars ay nagtatrabaho sa kompanya. Nagkaroon nang magandang buhay dahil sa ma­gandang ipinagkaloob ng may-ari.

At ideya pala ng may-ari na kunin ang lahat nang nanguna sa board exams ng mechanical engineering­. Kaya ang lahat ng mga ma­ta­taas na opisyal ng kompanya ay pawang topnotchers.

At ang isa sa nakagulat kay JC, nabasa na raw ng may-ari ang story niya sa broadsheet at maski raw ito ay hanga sa kanya. Totoo kaya ‘yun? Sabagay, bakit naman magsisinunga­ling ang manager sa kanya? At sa ti­ngin ni JC, hanga rin talaga sa kanya ang manager. Paulit-ulit ngang tinanong sa kanya kung paano nagawang mag-topnotcher ng isang katulad niyang working student. Ka­ha­nga-hanga umano ang gi­nawa niya.

Sa bahaging iyon, naka­dama ng guilt si JC. Hindi kasi nakasaad sa story na isang babae ang nagpaaral sa kanya—walang iba kundi si Mam Dioscora. Ang nasa isipan nang marami, sa pagiging working student niya natupad ang lahat at walang tumulong.

Gayunman, naintindihan niya si Mam Dioscora at susundin niya ang gusto nitong mangyari.

KINABUKASAN, naka­harap ni JC ang mayamang may-ari ng kom­panya—ang biyenan ni Mam Dioscora.

Habang kaharap ang may-ari, kinakabahan siya. Parang mahirap paniwalaan na may gagawing masama kay Mam Dioscora ang taong ito.

Itutuloy

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with