^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (86)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Salamat, Dads. Kapag nangailangan ako, sa iyo ako unang mag­sasabi. Sa ngayon, may health insurance naman si Papa kaya mayroon pang pagkukunan ng hospital bill. Mabuti nga at bago nawalan ng trabaho si Papa, naituloy ang pag­hu­hulog sa insurance, kung hindi…’’

‘‘Basta nagipit ka, mag­sabi ka lang at mayron akong maitutulong.’’

Ngumiti lamang si Gab pero nakita ni Dado ang nag-uunahang dalawang butil ng luha sa pisngi ng dalaga. Hindi na napigil dahil sa kabaitang ipina­kita ni Dado.

“Ilang beses na kitang nakita na lumuha.’’

Pinahid ni Gab ng daliri ang luha sa pisngi.

“Hindi ko mapigil ang sarili. Kasi ngayon lang ako nakakita ng katulad mo. Hindi naman tayo magkaanu-ano e nag-o-ffer ka ng tulong – at hindi lang basta-basta tulong.’’

“Ganun talaga ako kung tumulong, Gab. Gusto ko kapag tumulong e lubus-lubos na. Kaya huwag kang mahihiya.’’

Tumango si Gab.

Nanatiling nakatingin kay Dado.

“Basta relaks ka lang. Huwag kang masyadong mag-iisip. I-share mo sa akin ang lahat nang mga pinagwo-worry mo at lulu­tasin natin. Lahat naman ay may solusyon.’’

“Oo, Dads. Hindi ako mag­lilihim sa’yo. Kung nun e ayaw kong may makaaalam ng problema ko, ngayon, dahil sa’yo, isi-share ko para mayroong dumamay.’’

“That’s right. Para malutas ang problema, ihinga para masolusyunan.’’

Napangiti si Gab.

‘‘Buti hindi ka nagpari, Dado. Ang galing mong mangaral.’’

“E di kung nagpari ako e ‘di hindi kita nakilala. Sino ang pagsasabihan mo ng problema aber? Siyempre hindi ako titira sa apartment kundi sa kumbento.’’

“Oo nga ano?’’

“Bilib ka na?’’

Kinurot ni Gab nang maliit sa braso si Dado.

Kinabukasan, nag­pa­alam si Dado kay Gab na uuwi muna para magpalit ng damit.

Pero hindi pa siya ga­anong nagtatagal sa apart­ment na inuupahan ay tumawag agad si Gab.

Malungkot ang boses nito.

“Dads, patay na si Papa!’’ (Itutuloy)

vuukle comment

DADS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with