^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (4)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nang buksan ni Dado ang pinto, ang nakangi-ting may-ari ng apartment na si Manang Oya ang naroon.

“Good morning Dado, eto na ang tocino at longganisa na inorder mo,’’ sabi ni Manang at iniabot kay Dado ang hawak.

Naalala ni Dado na nag-order nga pala siya ng pang-ulam sa breakfast. Inabot ni Dado ang tocino at longganisa.

“Magkano po ito Ma­nang?’’

Sinabi ni Manang.

“Sandali po at kukuha ako ng pera Manang. Pasok ka muna Manang.’’

“Dito na lang Dado.’’

Nagbalik si Dado sa kuwarto. Inilapag sa mesa ang tocino at kumuha ng pera sa pitaka. Ineksakto na niya para wala nang isusukli pa si Manang.

Nagbalik siya sa pintuan.

‘‘Ito po Manang. Salamat.’’

‘‘Masarap ang tocino at longganisa na yan, Dado. Malambot. Match na match sa fried rice, itlog at mainit na kape, he-he-he!’’

“Oo nga Manang. ‘Yan nga ang lulutuin ko ngayong umaga.’’

“Tamang-tama pala ang pagkakadala ko, he-he-he!’’

“Oo nga Manang.’’

“Teka baka gusto mo ng daing na bangus. Galing Pa-ngasinan. Napakasarap din.’’

“A e sa sunod na lamang Manang, pag naubos ang tocino.’’

“Okey Dado.’’

Umalis na si Manang.

Isasara na ni Dado ang pinto nang may maaalala. Tungkol sa babaing kau-sap ni Manang kahapon ng umaga.

Muli niyang binuksan ang pinto at tinawag si Manang.

“Sandali po Manang.’’

Bumalik si Manang.

‘‘Ano Dado?’’

‘‘Sige Manang dalhan mo ako ng daing na bangus.’’

“Ilan?’’

“Mga dalawang piraso Manang,’’

“Okey sige.’’

Saka biglang isininingit ni Dado ang pagtatanong tungkol sa babaing kausap ni Manang kahapon.

‘‘Sino nga pala ‘yung kausap mong babae kahapon, Manang? Mangungupahan siguro ano?’’

‘‘Oo sa silong. Nagsosolo rin na katulad mo. Gab ang pangalan.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

ORDER

ULAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with