^

True Confessions

Alupihan (54)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Babay Kuya,’’ sabi ni Diana na ang pagkakangiti kay Cris ay may ibig sabihin. Napansin ni Cris na mamasa-masa ang labi ni Diana. Hapit ang pantalong maong ni Diana na nagpapamalas sa kurbada ng katawan nito. Biglang naalala ni Cris ang ginagawa nina Diana at Gretchen kahapon sa kuwarto.

‘‘Babay Diana, ingat,’’ sabi ni Cris.

Bumaba na si Diana. Ayaw sanang habulin ni Cris ng tingin si Diana pero hindi siya nakatiis. Hinabol niya ng tingin. Sexy talaga!

Limang minuto marahil na nakakaalis si Diana ay si Gretchen naman ang nakita niyang lumabas sa room nito para pumasok sa trabaho.

‘‘Good morning Kuya.’’

“Good morning, Gretchen.’’

“Ang aga mo namang maglampaso, Kuya.’’

‘‘Inagahan ko para madaling makatapos. Papasok ka na?’’

“Oo Kuya.’’

“Sige ingat ka.’’

“Bye Kuya.’’

Sinundan din ng tingin ni Cris si Gretchen. Maganda at sexy si Gretchen pero bakit babae rin ang gusto. Baka siya yung tinatawag na AC/DC? Puwede sa babae at puwede sa lalaki. Gusto ng “tahong” at gusto rin ng “hotdog”.

Kasunod ni Gretchen   ay umalis na rin para pumasok sa trabaho sina Girlie, Hannah at Jaymee. Sinundan din niya ng tingin ang mga ito nang dumaan sa harapan niya.

Naisip ni Cris, ano naman kaya ang lihim ng tatlong boarders?

Nang makaalis na lahat ang limang boarders, saka lamang nakapag-concentrate sa trabaho si Cris.

Nang matapos maglampaso, ipinasya ni Cris na isabit na sa gate ang kara-tula na WANTED LADY BOARDER. Pauupahan na niya ang Room No. 6. Sayang din ang kikitain dun. (Itutuloy)

vuukle comment

DIANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with