^

True Confessions

Alupihan (51)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Ipinagpatuloy ni Cris ang paglalampaso sa suwelo hanggang sa tapat ng Room No. 4 pero ina­abala ang kanyang kosen­trasyon ng mga narinig niyang ungol mula sa room ni Diana.

Hindi niya maisaayos ang paglalampaso. Mas na­nanaig sa kanya na alamin ang nangyayari sa kuwarto ni Diana. Bakit may mga ungol na para bang nahihi­rapan o nasasarapan?

Ipinagpatuloy pa niya ang paglampaso.

Pero bara-bara na ang kanyang ginagawa at hindi na maayos ang paglilinis.

Ipinasya niyang lumapit sa tapat ng pinto ng room ni Diana. Inilapit niya ang taynga sa pinto.

Wala na ang ungol. Tahimik na tahimik.

Iba ang namamayaning­ katahimikan. Mayroong nang­­­yayari sa loob!

Dahan-dahang itinulak ni Cris ang pintuan. Umawang ito. Sapat para masilip ang nasa loob.

Ayaw sana ni Cris pero malakas ang bulong sa kan­yang utak na alamin ang nang­yayari sa loob?

Malakas ang kutob niya na may nangyayari.

Isinungaw ni Cris ang ulo para ganap na makita kung ano ang nagaganap sa loob.

At hindi siya makapaniwala sa nakita. Naghahalikan sina Gretchen at Diana habang nakaupo sa kama!

Naglalaplapan!

Naka-panty lang si Diana at t-shirt na pang-itaas.

Mas agresibo si Gret­chen na para bang asong sakmal ang labi ni Diana.

Napalunok si Cris.

Pero ba’t may umuungol kanina?

Bahagyang inalis ni Cris ang mukha sa pagkakasilip. Nag-aalala siyang ma­kita ng dalawa. Kakahiya!

Pero sa isip ni Cris, mas nakakahiya ang ginagawa ng dalawa na parehong babae pero naglalaplapan.

Muling ibinalik ni Cris ang pagsilip sa dalawang babae.

At mas lalo siyang na-shock sa nakita.

Mas matindi ang gina­gawa ng dalawa! Hindi halos siya humihinga at kumiki­sap.

(Itutuloy)

vuukle comment

DIANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with