Ahas sa Garden(191)
“KAILAN, Babe? Kailan mo ipagbibili ang mansion?” tanong ni Brenda na tuwang-tuwa sa pasya ni Sir Nath.
“Baka next month, magkabayaran na. Pinaplantsa na.’’
“Wow! Magkano, Babe?’’
“More or less, P20-M!’’
“Wow!’’
“Kapag nabenta na, sa condo na tayo. Dalawang unit ang bibilhin natin.’’
“Babe isa sa akin ha? Ipangalan mo sa akin.’’
“Of course naman.’’ Biglang hinalikan ni Brenda sa labi si Sir Nath. Halos pasakmal. Matagal silang naghalikan.
Nang iangat ni Brenda ang labi ay kinapos sila ng hininga.
“I love you Babe,” sabi ni Brenda.
“Ano pa ang gusto mo bukod sa condo?’’
“Car.’’
“Walang problema, ibibili kita ng car. Ganyan kita kamahal, Babe!’’
Hinalikan uli ni Brenda sa labi si Sir Nath. Naghalikan uli sila.
Hanggang ipasya ni Brenda na sa loob na sila ng cottage. Masyado siyang nasiyahan sa sinabi ni Sir Nath kaya may sorpresa rin siya rito.
NAKASILIP ng pagkakataon si Ester, ang maid na kaibigan ni Manang. Natiyempuhan isang umaga si Sir Nath na nasa gate ng mansion. Kakausapin niya ito. Mabuti at nag-iisa. Wala ang sagabal na si Brenda. Nilapitan niya.
(Itutuloy)
- Latest