^

True Confessions

Sadiq(178)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TINUPAD ni Sadiq ang pangako sa dating OFW na si Apol. Katulong si JayR, tinulungan nilang makapag-setup ng negos­yong “fries” si Apol.

Sa harapan ng bahay nito sa Balic-Balic, inilagay ang tindahan. Malapit sa school ang bahay ni Apol kaya positibong uunlad ito.

Itinuro nina Sadiq at JayR ang pagsisimula sa puhunang P10,000. Pai­ikutin ang halagang­ iyon hanggang sa mabawi ang capital. Mahirap sa simula pero sa pamama­gitan ng pagtitiyaga, uunlad ito. Laging ipinaalala nina Sadiq at JayR kay Apol na walang negosyo na nagsimula sa malaki. Bago naging higante ang mga malalaking malls nga­yon, nagsimula muna sila sa maliit hanggang unti-unti nang lumaki.

Makaraan ang anim na buwan, dinalaw ni Sadiq ang APOL’S FRIES sa Balic-Balic at hindi siya makapaniwala sapagkat mabentang-mabenta ito. Maraming customer si Apol. Mga estudyante ang mga bumibili.

“Kumusta Apol? Muk­hang mabilis ang pag-unlad ah!”

“Oo, Sadiq. Natutuwa ako dahil nakikilala na ang business ko.’’

“Basta i-maintain mo lang ang masarap na na­idulot mo sa mga kustomer at hindi ka nila iiwan. Panatilihin ang kalinisan at tiyak na uunlad ka. Maniwala ka sa akin.’’

“Paniwalang-paniwala ako sa’yo Sadiq.’’

“Kumusta na ang mga anak mo?’’

“Mabuti po. Masaya na sila dahil magkakasama na kami.’’

“Hindi naman hinaha­nap ang kanilang ina?’’

“Hindi. Mas maganda na ang ganitong kalaga­yan dahil tahimik kami Sadiq. Kasi baka gumulo lang kung narito ang ka­nilang ina.’’

Napatangu-tango si Sadiq.

“Matiwasay kaming mag-aama ngayon --- wa­lang kasing tiwasay Sadiq.’’

Napatango uli si Sadiq.

Salamat sa Diyos, na­ibulong niya.

“Hindi ko malilimutan ang mga nagawa mo Sadiq pati si JayR.”

“Okey lang yun, Apol.’’

“Ikaw pala ang magli­ligtas sa akin. Kung hindi sa’yo baka kung ano ang nagawa ko sa aking­ asawa.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

SADIQ(178)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with