^

True Confessions

Sadiq (21)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NANG sumunod na araw, na­laman nina Sadiq at JayR na nakakulong na ang mga kasamahan nilang nahuling umiinom ng sadiki.

“Pati pala yung binilhan nila ng alak e nakakulong na rin, JayR.’’

“Inginuso siguro ng mga naaresto.’’

“Oo. Family driver daw yung gumagawa ng sadiki. Mayaman na raw yung drayber dahil sa pagbebenta ng alak.’’

Makalipas pa ang ilang buwan, nalaman nina Sadiq at JayR na pinauwi na ang apat nilang kasamahan na nahuling umiinom ng sadiki.

“Sinayang nila ang tra­baho. Hindi na sila makakabalik sa Saudi. Ban na sila rito.’’

“Wala talagang maidudulot na mabuti ang alak ano, Sadiq.’’

“Talaga. Dapat yung mga nag-sa-saudi e iwasan ang mga bisyo kapag narito na. Sinasabi naman sa orien­tation yan bago umalis ang aplikante.’’

“Marami talagang matigas ang ulo ano Sadiq?’’

“Oo. Kaya ikaw, sundin mo lahat ang payo ko.’’

“Oo Sadiq.’’

“Hindi ka maliligaw ng landas kapag pinakinggan mo ako.’’                         (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with