^

True Confessions

Black Widow (36)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI maalis sa isipan ni Marie ang nangyari sa kaibigang si Jam. Kaya pala nagkaroon ng pagbabago sa itsura nito ay dahil may relasyon na sa dancer ng gaybar. Biglang-bigla, napansin niya na nagbago ang estilo nito sa pananamit at maski ang pag-a­ayos sa sarili. Sa tingin niya, nagmukhang flirt si Jam.

Pero sa kabila ng mga nalaman niya kay Jam, ka­ibigan pa rin niya ito. Walang nabago sa pagtingin niya rito. Kaya nga apektado siya nang magkaroon ito ng problema. Gusto niya, huwag nang palalain ni Jam ang problema. Pinayuhan na niya ito noon na huwag nang ituloy ang anumang naiisip para sa asawa. Pero itinuloy din pala. Ngayo’y nakalubog na ang sarili sa pakikipagrelasyon at wala raw siyang pinagsisisihan dahil mahal niya ang dancer na nagngangalang Coco. Mahal din daw siya ni Coco.

Ang inaalala ni Marie ay ang mga anak nito. Ano ang mangyayari sa mga anak nito ngayong mayroon nang karelasyon.

Napailing-iling si Marie sa nangyari sa kaibigan.

Naikumpara niya ang sarili kay Jam. Masuwerte pa rin siya kahit tatlong sunod nang namatayan ng asawa. At least, alam niyang nasa kabilang buhay na ang mga naging asawa niya hindi katulad ng asawa ni Jam na nasa kabilang bahay.

 

ILANG araw ang lumipas. Napansin ni Marie na absent na naman si Jam. Wala na naman ito sa table niya. Noong isang araw ay absent na ito at ngayon ay absent na naman. Ano na naman kaya ang nangyari? Apektado na naman siya. Siya ang hindi mapakali.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

APEKTADO

BIGLANG

ITUTULOY

JAM

KAYA

MASUWERTE

NIYA

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with