^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (476)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NUMER, hindi ko akalain na mangyayari ito,” sabi ni Imelda habang nakatingin kay Numer.

“Na magkakaibigan tayo sa ganitong age na malapit nang mag-senior?”

“Oo.’’

“Wala namang tinak­dang edad ang pag-iibigan ng babae at lalaki. Kusang bumubukal ang pag-ibig ke bata o matanda.’’

“Sabagay. Ang ipinagtataka ko rin ay napakabilis nang pangyayari. Pa­rang kahapon lamang tayo nag­kakilala sa telepono at ngayon ay “mag-ano” na tayo.’’

“E di mas lalo kang mag­tataka kung bukas ay kasal na tayo.”

Nagtawa si Imelda. Ti­nakpan ang bibig dahil napalakas ang tawa. Pag­katapos ay kinurot sa bra­so si Numer.

“Parang kaya naman na pakasalan ako bukas. Siyempre ipakikilala muna kita kina Doc Sam at Aya. Sila ang mga tumatayo kong kamag-anak.’’

“Walang problema. Pag­naipakilala mo ako, e di pakasal na tayo. Kaila-ngang magmadali tayo dahil malapit na tayong mag-senior, he-he!”

“Pero paano ang tungkol kay Abdullah Al-Ghamdi. Di ba ipinangako mo sa kanya na hahanapin si Cristy at ang anak nila.’’

“Solb na yun di ba? Wala na naman akong hahanapin dahil nakita ko na.’’

“Pero paano ang binigay na pera sa’yo para gastusin.’’

“Aba e di sa atin na yun. Ang laki ng binigay niya, Imelda. Kasi nga ang akala e matagal ang aking paghahanap kay Cristy. Kung kulang pa raw, tawagan ko siya.’’

“Pagbalik mo sa Saudi, ipagtatapat mong nakita mo na si Cristy?”

“Oo. Pati ang anak niyang si Doc Sam, ibaba­lita ko. At tiyak ko, matutuwa siya.’’

“Maski si Doc Sam, gustong makita ang amang Saudi.’’

“Pero ngayon, ang ating mga sarili muna ang intindihin natin.’’

Tumango si Imelda. Ma­tapos ang kanilang unang date, isinama ni Imelda si Numer sa pag-uwi at ipinakilala kay Aya.

Gulat na gulat si Aya.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

ABDULLAH AL-GHAMDI

AYA

DOC SAM

IMELDA

NUMER

OO

PAG

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with