^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (396)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HABANG naliligo si Julia, may pumasok sa kan-yang unit at nakikiramdam. Tumigil sa tapat ng banyo at inaninag ang naliligong si Julia. Naki­kita niya ang repleksiyon ni Julia sa salamin ng banyo. Kahit nagpapa-wis-pawis ang salamin ng banyo, naaaninag niya ang hubad na katawan ni Julia. Napabuntuhininga siya. Nakita niya ang pagtapat ni Julia sa shower at nagtagal doon. May dinampot si Julia at ipinahid sa hubad na katawan. Nabalot ng bula ang katawan ni Julia. Muling tu­mapat sa shower si Julia at inanod ng pinong tubig ang mga bula sa katawan. Napabuntunghininga muli ang nanonood kay Julia. Napakaganda talaga ni Julia! Pasukin na kaya niya?

Hanggang sa hindi sinasadya ay nasipa niya ang isang nakakalat na dumb bell sa may pinto ng banyo. Lumikha ng ingay ang pagkasipa niya. Hindi niya napansin ang dumb bell. Baka ginamit ni Julia bago naligo. Kaya siguro maganda ang katawan ni Julia ay dahil alaga sa exercise. Katamtaman ang laki ng mga braso ni Julia. Walang puson. At maganda ang hubog ng puwit.

Lingid sa anino, nari-nig pala ni Julia ang ingay ng dumb bell na nasipa. Napatigil si Julia sa paliligo pero nakatapat pa rin sa shower. May tao sa labas! Pero napangiti siya, tiyak niya na si Sam ang nasa labas. Ang bilis namang dumating. Hindi pa nga siya tapos sa paliligo ay narito na kaagad. Napangiti muli si Julia. Okey lang na dumating na si Sam. Iyon naman talaga ang inaasaham niya. Kaya nga kusa na niyang hindi ini-lock ang pinto dahil alam niyang parating na si Sam. Baka abutan pa siyang nasa banyo kaya iniwan niyang bukas ang pinto. Mas mahirap kasi kung sa labas maghintay si Sam. Baka mainip.

“Sam, sandali lang!” sabi niya. “Matatapos  na ako. Magbasa ka lang muna diyan. O kaya’y magkape ka muna. May kape sa coffee maker. Sandali na lang ako Sam.’’

Walang sagot mula sa labas.

Ipinagpatuloy ni Julia ang paliligo. Nagsabon muli siya. Gusto niya ay mabangung-mabango kapag nakaharap si Sam. Yung bango na hindi malilimutan ni Sam. Muling bumula ang sabon sa katawan ni Julia. Lahat nang kasuluk-sulukan ng kanyang katawan ay sinabon niya. Mas pinagbuti niya ang pagsabon sa iniiingatang “hiyas”. Kailangang masiyahan si Sam sa bahaging iyon. Alam niya, sabik si Sam sa bahaging iyon. Alam niya, ang dalawang beses nilang pagsasama ni Sam noon ay nagbigay na ng kakaibang init dito. Sigurado siya  na gusto na rin ni Sam na mangyari ang “pagniniig” nila pero hindi nito magawa dahil nga sa babaing kontrabida. Siguro’y ibubuhos ni Sam sa kanya mamaya ang lahat nang pagmamahal. Sa kanya na ibibigay ang kakaibang init.

Hanggang sa matapos na siya sa paliligo.

“Sam, tapos na ako. Nagkakape ka ba? Lalabas na ako!”’

Inabot ni Julia ang ma­lapad na tuwalya. Mara-hang idinampi sa makinis na katawan. Tinuyo iyon. Pagkaraan ay dinampian ang buhok.

Pagkatapos ay ibina-lot na ang tuwalya sa ka­tawan. Binuksan ang pinto ng banyo. (Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

BANYO

HANGGANG

JULIA

KATAWAN

KAYA

NIYA

SAM

WALANG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with