^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (212)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BAKA kung saan ka nanggaling,’’ sabi ni Mama Brenda.

Napatingin si Aya sa kanyang mama. Naghihinala na kaya ito na nagkikita sila ng kanyang papa?

‘‘’Ma, sa bagong tirahan ni Sam ako galing. Nagpaturo nga ako tapos dun na ako kumain. Ang sarap palang magluto ng lalaking iyon. Ipinagyabang sa akin...’’

‘‘Kasi nagdududa ako...’’

‘‘Anong duda mo ?’’

‘‘Hindi si Sam ang kasama mo kundi yung si TJ. Yung dumalaw sa akin sa ospital. Kasi halata kong malaki ang pagkakagusto sa’yo. Nanliligaw sa’yo yun ano?’’

Nagtawa si Aya. Mabuti at ang akala pala ng mama niya ay si TJ ang kasama. Hindi alam, ang kasama niya ay si Dr. Del Cruz na kanyang ama.

“Hindi nanliligaw si TJ ‘Ma. Puro parinig lang. Mahiyain kasi. Pero halata ko nga na may gusto. Kaya lang…’’

“Kaya lang ay ano?’’

“Parang di ko gusto. Basta kaibigan ko lang siya…’’

Napatingin nang makahulugan si Brenda  kay Aya. Nawala ang pagdududa.

“Siyanga pala, ‘Ma, narito ba ang kinamu-muhian kong demon este tao?’’

Napatitig si Brenda kay Aya. May babala sa boses.

‘‘Narito! ‘Yang boses mo, baka ka marinig!’’

Pero tumalikod na si Aya at nagtungo sa  bedroom niya. Narito pala ang demonyo. Kailangan pala maging maingat siya.

Isang umaga, naliligo siya. Sinasabon niya ang katawan nang may maramdaman si­yang kaluskos. Na­­ kiramdam siya. Nawala ang kaluskos. Pero pakiramdam ni Aya may mga matang naka­silip at takam na takam sa katawan niya.

(Itutuloy)

vuukle comment

AYA

BRENDA

DR. DEL CRUZ

KASI

KAYA

MAMA BRENDA

NAPATINGIN

NARITO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with