^

True Confessions

Alakdan (302)

Pilipino Star Ngayon

“HINDI ka nagbabago, Kreamy. Ikaw pa rin yung Kreamy na nakilala ko noon --- mabait, mapagpasensiya, maawain, mapagpatawad…’’

“Binobola mo na ako niyan, Troy.’’

“Hindi Kreamy. Katunayan, hindi ako ma­runong mambola.’’

“Ibig mong sabihin, wala kang nabolang babae?”

“Wala. Hindi nga ako bolero.’’

“Siyempre, marami kang ka-officemates na babae at siguro’y magaganda. Wala kang nabola sa kanila?”

“Wala.’’

“Oww?”

“Wala kasi akong nakitang kamukha mo, Kreamy.’’

“Ay ang bolero talaga!”

Nagseryoso si Troy.

“Wala akong nagustuhan o niligawan man lang, Kreamy. Nasabi ko sa sarili ko, kung hindi ikaw ang makakasama ko habambuhay hindi na lang ako mag-aasawa…ang nakapigil nga lang sa akin para hanapin ka ay yung nadarama kong pagkapahiya dahil sa aking nagawa…’’

Nagkatinginan sila nang matagal. Si Kreamy ang unang bumawi ng tingin.

“Mahal kita, Kreamy…’’

Nanatiling walang kibo si Kreamy.

Marahang kinuha ni Troy ang kanang palad ni Kreamy. Pinisil. Napaka-lambot ng palad ni Kreamy. Nadama niya ang kakaibang init. Kasing-init din ng nadarama niya para kay Kreamy. Paulit-ulit pang pinisil ni Troy ang palad ni Kreamy.

Hanggang sa maramdaman ni Troy ang pagganti ni Kreamy. Pinisil din ang palad niya. Mahigpit.

“Kreamy…’’

“Mahal din kita Troy.’’

Nagkatinginan sila. Punumpuno ng kaligayahan ang mga puso nila. Walang pagsidlan ang kaligayahan. Iyon ang pinaka-maligayang sandali sa buhay nila.

Maya-maya pa nakita ni Troy na may luhang umagos sa pisngi ni ni Kreamy.

“Ba’t ka napaluha?”

“Luha ito ng kaligayahan, Troy.”

Inakbayan ni Troy si Kreamy.

Lingid sa kanila, nakikita sila ni Digol. Nakasilip sa bintana si Digol. Natutuwa si Digol sa nangyaring pag-iibigan nina Troy at Kreamy. Alam niya, isang magandang kuwento ng pag-ibig ang nangyari sa dalawa. Hindi pangkaraniwang pag-ibig iyon.

Nang gabing iyon magkasama na sina Troy at Kreamy sa bahay nila sa may Veterans. Sinalubong sila ni Siony.

“Mama, may sasabihin daw si Troy.’’

“Sige makikinig ako.’’

(Itutuloy)

 

vuukle comment

DIGOL

HINDI KREAMY

KREAMY

NAGKATINGINAN

PINISIL

TROY

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with