^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (107)

- Ronnie M. Halos -

NAGLULUTO sina Fred at Mulong nang magising si Ganda.

“Ako nang maghuhu-gas ng mga kaldero, Mang Fred.”

“Baka hindi mo pa kaya, Ganda. Magpahinga ka lang muna.”

“Kaya ko na.”

“Hindi! Diyan ka lang sa tabi. Kami na ang bahala rito.”

“Kakahiya.”

“Kalimutan mo na ang hiya-hiya. Dito sa Maynila ay wala nang hiya-hiya.”

“E ano naman ang ga­gawin ko, Mang Fred? Para akong supervisor n’yo?”

“Basta pahinga ka na lang muna. May trauma ka pa sa nangyari. Kapag kailangan na namin ni Mulong ang tulong mo e sasabihin ko.”

Sumabad si Mulong.

“Oo nga naman Ate   Ganda. Magpahinga ka na lang muna.”

“Sige, dalawa na kayong nagsasabi e. Basta sabihin n’yo lang kung ano ang gagawin ko.”

“Puwede kang gumawa ng puto, Ate Ganda.”

Nangislap ang mga mata ni Ganda. Nagkaroon ng ideya.

“Aba oo gagawa ako. Hin­di ko pa nalilimutan ang paggawa ng Luningning   puto. Yung mga itinuro ni Lola ay kabisado ko pa.”

“Kasi’y hindi masarap yung puto na itinitinda namin ni Kuya ngayon. Gawa lang kasi sa arina. Mas masarap yung gawa sa bigas.”

‘‘Talaga naman. Sabi ni lola ang, ikinasasarap ng puto ay dahil sa bigas. Dapat maganda ang bigas.”

Kinabukasan ng umaga, may sinabi si Ganda kay Fred.

“Gusto ko nang gumawa ng puto, Mang Fred pero wala tayong bigas.”

“Kaya mo nang gumawa Ganda?”

“Oo naman.”

“Ipagigiling na lang ang bigas para mas madali ano.”

“Oo. Hindi na uubra kung mano-mano ang paggiling ng bigas.”

“Sige bibili ako ng isang kaban. Kailangan mo rin ng mga pasingawan ano?”

“Oo. Kailangan ko rin ng mga dahon ng saging.”

“Sige akong bahala.”

Kinagabihan, inihahanda na ni Ganda ang mga gagamitin sa pagluluto ng puto. May timpla na ang galapong. Ilalagay na lang sa mga hulmahan. Sanay na sanay pa rin si Ganda sa paggawa ng puto. Hindi nalilimutan ang pinamana ng kanyang Lola Angela.

Habang gumagawa ng puto ay nakabantay si Fred. Si Mulong naman ay nasa labas at inaayos ang mga mesa at upuan sa aroskalduhan.

“Palagay ko dadami lalo ang mga kustomer natin kapag natikman ang puto mo.”

Napangiti lang si Ganda. Tila nahihiya.

“Sana ay makatulong itong gagawin ko para naman masulit ang pagtira ko rito.”

“Sigurado ako papatok ‘yan. Masarap ang puto mo, Ganda. Mas lalo siguro ang bibingka.”

Nagtawa si Ganda.

“Ikaw Mang Fred ha?”

“Huwag mo naman akong tawaging Mang Fred. Fred na lang.”

“Parang hindi ako sanay na walang Mang.”

(Itutuloy)

vuukle comment

FRED

GANDA

LANG

MANG FRED

MULONG

OO

PUTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with