^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (98)

- Ronnie M. Halos -

“MAMAYANG alas-dose, hihintayin kita dun sa may barangay hall. Kukuha na ako ng taxi para sasakay ka na lang…”

“Natatakot ako, Mang Fred…hindi ko kaya…”

Napansin ni Fred na hindi mapakali si Ganda. Umalis sa harap niya. Hindi niya sinundan ng tingin at baka mahalata ng lalaking bantay. Iti­nuloy niya ang pagkain. Inunti-unti niya ang pag­kain. Hindi siya tumi­tingin sa lalaki. Pagbalik ni Ganda, pipilitin na niya na tumakas na ma­mayang alas-dose. Hindi na dapat pang ipagpaliban.

Matagal bago nagtungo sa kanyang mesa si Ganda.

“Nakakahalata ang guwardiya, Mang Fred. I-text na lang kita. Umalis ka na bago tuluyang mag­hinala. Kanina sinundan ako sa kitchen.”

“Sige. Teka at babaya­ran ko.”

“Sandali at kukunin ko ang bill. Huwag kang ti­tingin sa guwardiya.”

Umalis si Ganda. Maka­lipas ang ilang minuto ay nagbalik. Dala ang bill ng babayaran.

Binayaran ni Fred.

“Tatawagan kita, Gan­da.”

“Ako na lang ang ta­tawag at magti-text. Sige na, alis na!”

Lumabas na si Fred. Alam niya sinusundan siya ng tingin ng lalaking guwardiya.

Nang dumating siya sa bahay sinabi niya kay Mulong ang nangyari.

“Kaya pala hindi mo kasama si “hiyas” Kuya.”

“Gusto ko nga, itakas na siya ngayong alas-dose, kaya lang takot. Baka raw mahuli kami ng guwardiya. Hindi raw niya kayang tu­makbo at magtago.”

“Kawawa naman pala si “hiyas” Kuya. Dapat ta­lagang makuha mo siya roon.”

“Oo nga. Ang ikina­tatakot pa niya ay baka raw gapangin siya ng anak ng amo. Kapag naka-shabu raw ang anak ng amo, ta­lagang parang demonyo.”

 “Kung ako sa’yo Kuya, isuplong mo na sa pulis.”

“Iyan na nga ang naiisip ko. Kapag wala na akong magawang paraan, baka lumapit na ako sa pulis at siguro puwedeng ireklamo sa Labor dahil hindi siya pinasusuweldo ilang bu­wan na. ”

Kinagabihan, hindi na mahintay ni Fred na si Ganda ang mag-text at tumawag. Siya na ang nagkusa. Hindi na siya mapakali. Gusto niyang malaman ang kalagayan ni Ganda.

Dinayal niya ang number para tawagan. Pero patay ang cell phone.

Sumunod na gabi, hindi inaasahan ni Fred ang mga mangyayari.

Pasado alas dose ng hatinggabi, biglang tu­mawag sa kanya si Ganda. Takot na takot.

“Mang Fred, nasusu­nog itong restaurant!!!”

(Itutuloy)

vuukle comment

FRED

KUYA

MANG FRED

NIYA

SHY

SIYA

UMALIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with