^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (93)

- Ronnie M. Halos -

GUSTO na sanang tawagan ni Fred si Ganda nang dumating sila sa bahay pero nagpigil siya. Maaaring wala pa sa tinitirahan nito si Ganda. Maaaring nasa palengke pa ang mga ito. Ilalagay lamang niya sa alanganin si Ganda. Baka mapagalitan ng amo. Yung kasama ni Ganda sa pamamalengke ay mukhang masungit at istrikto. Kanina, ingat na ingat si Ganda nang iabot ang sulat na may cell number.

Nang inaakala ni Fred na nasa tirahan na si Ganda ay saka siya nag-text dito. Mas mabuting text muna. Hindi gaanong mapapansin.

Itinext ni Fred: Puwede ba kita tawagan, Ganda? Ano oras kita tawagan?

Naghintay si Fred ng sagot ni Ganda pero lumipas ang ilang oras ay hindi sumagot. Naisip ni Fred na masyadong busy siguro si Ganda at isa pa’y naghahanap ng tiyempo. Baka sobrang bagsik ng amo.

Eksaktong alas dose ng tanghali ay sumagot si Ganda. Nakalagay: Mamayang gabi mo ako tawagan, mga alas-dose. Delikado ngayon.

Bagamat nabahala si Fred sa sinabi nitong “delikado” nasiyahan na rin siya sapagkat magkakausap na rin sila. Pagkaraan ng ilang taon, makakausap na niya nang masinsinan si Ganda. Iyon ang pinakahihintay niyang sandali.

Tama nga yata ang hula niya na hindi maganda ang kinalalagyan ni Ganda. Bakit nagsabing “delikado”? Masyado nga sigurong mahigpit ang amo. Baka naabuso na si Ganda. Baka may nangyayari nang hindi maganda.

Masiglang-masigla si Fred ng araw na iyon. Kinagabihan nang magkuwenta sila ng kinita ay sobra-sobra. Tubong lugaw talaga.

“Okey ang benta natin, Muls.”

“Kasi’y maghapon kang masigla Kuya. Siguro’y dahil sa “Hiyas” na sinabi mo.”

“Baka nga. Masuwerte talaga ang “hiyas” na iyon.”

“Sino ba yun Kuya?”

“Isang babae na malaki ang bahagi sa buhay ko.”

Napatangu-tango na lang si Mulong.

“Siyanga pala Muls, kapag nagtuluy-tuloy ang suwerte ng ating negosyo, pag-aaralin kita. Magtuloy ka ng kolehiyo.”

“Totoo Kuya?”

“Oo. Para meron kang natapos. Sayang naman. Bata ka pa rin naman.”

“Gusto kong mag-aral ng Business Administra-tion, Kuya.”

“Sige. Maganda ‘yan.”

Kinagabihan, eksaktong alas dose ay tinawagan ni Fred si Ganda.

“Hello Ganda?”

“Hello, Mang Fred.”

“Kumusta, Ganda?”

“Hindi maganda, Mang Fred. Tulungan mo ako!”

(Itutuloy)

vuukle comment

BUSINESS ADMINISTRA

FRED

GANDA

HELLO GANDA

KINAGABIHAN

KUYA

MAAARING

MANG FRED

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with