^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (61)

- Ronnie M. Halos -

DUMATING ang mga lalaking may masamang tangka kay Ganda. Natanaw ni Fred kahit nasa malayo pa. Inaalam marahil kung dumating na sina Lola Angela at Ganda sa kubo.

“Sinong tinatanaw mo, Fred?” tanong ni Lola.

Napilitan nang sabihin ni Fred ang tungkol sa dalawang lalaki. Nahintakutan ang matanda sa narinig. Tinawag si Ganda na noon ay nasa kuwarto at nagpapahinga. Katatapos lang maggiling ng bigas.

“Ganda, halika nga, apo ko.”

Walang sagot.

“Halika muna at mahalaga ang sasabihin ko.”

Hindi na nakatiis si Ganda.

“Lola, huwag kang maniwala kay Mang Fred. Siya ang gustong manilip sa akin sa sapa. Sinungaling ang taong ‘yan!”

“Halika muna at may sasabihin ako.”

Pero matigas si Ganda.

“Paalisin n’yo na si Mang Fred!”

Talagang ayaw kay Fred. Matindi ang galit.

“Huwag mo nang pilitin Lola. Aalis na lang ako.”

“Pasensiya ka na sa apo ko Fred. Pero huwag mo kaming iwan. Baka akyatin kami ng mga la-laking sinasabi mo.”

“Pinaaalis na ako ng apo mo Lola.”

“Huwag mo siyang pa­kinggan. Ako ang pakinggan mo, Fred. Huwag kang aalis.”

Nagtungo si Lola sa kuwarto ni Ganda. Kinausap ang apo. Mahina ang usapan ng maglola.

Nakiramdam naman si Fred sa paligid. Tiyak niyang nagmamanman ang dalawang lalaki. Pinag-aaralan kung paano isasagawa ang pag-akyat at pag-abuso kay Ganda. Pinatay ko ang ilawang de-gaas na nasa may kusina. Nilamon ng dilim ang buong kusina. Ang natirang ilaw ay ang nasa kuwarto ni Ganda.

Maya-maya, lumabas na si Lola.

“Fred bakit walang ilaw?”

Sa halip na magsalita, ibinulong na lamang sa matanda ang dahilan.

“Diyos ko. Paano ang gagawin natin?”

“Ipapatay n’yo kay Ganda ang ilaw. Huwag kayong mag-uusap.”

Pumasok ang matanda sa kuwarto. Pinatay ang ilaw. Madilim na sa buong kubo.

Iniisip ni Fred kung paano mailalabas ng kubo ang maglola. Mahihirapan ang matanda dahil madilim. Pero iyon ang pinakamagandang paraan para mailigtas sa kapahamakan ang dalawa. Ang problema ay kung sasama si Ganda sa paglabas sa kubo.

(Itutuloy)

vuukle comment

FRED

GANDA

HALIKA

HUWAG

LOLA

LOLA ANGELA

MANG FRED

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with