^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (15)

- Ronnie M. Halos -

PERO bago siya natangay nang malakas na hangin na dala ng bagyong-buhangin, naisip ni Fred ang nag-iisang anak. Kawawa naman ito kung mamamatay siya. Ulila na nga sa ina ay mauulila pa sa ama.

Bago siya nabayo nang malakas na hangin ay na­katakbo siya. Mabilis na pagtakbo na noon lamang niya nagawa sa buong buhay niya. Bakit ba niya sasa-yangin ang buhay dahil sa taksil na si Precy? Hindi niya dapat ipagmukmok o ikasira ng ulo sa pag-iisip ang katulad ni Precy na masamang babae. Hindi ang katulad ni Precy ang magpapahina sa kanya para hindi ituloy ang pangarap.

Nang makarating siya     sa tirahan, at makita ng ka­samahang si Junior ay takang-taka kung bakit maraming   buhangin ang kanyang damit, mukha, braso at buhok. Sinabi niya ang totoo.

“Inabot ako ng sandstorm, Pareng Junior!”

“Ba’t ka naman nagpa­abot e alam mong delikado. At saka malayo pa ang sandstorm e nakikita mo na di ba. Sana nakatakbo ka na agad dito.”

“Sinadya ko talaga Pa­reng Junior. Ganoon pala kapag hinagupit ng sandstorm para akong maluko-luko…”

Napamaang si Junior. Tila nahihiwagaan sa mga sinabi ni Fred.

“Bakit mo sinadya, Pa­reng Fred?”

“Ikaw siguro hindi pa nakakaranas ng sandstorm ano, Pareng Junior.”

“Hindi pa Pare. Bakit mo naitanong?”

“Ako Pareng Junior, mas matindi ang dinanas kong sandstorm. Ibinigay ni Mareng Precy mo sa akin. Halos mawakwak ang ulo ko sa pag-iisip.”

Napamaang si Junior. Hindi ganap na maunawaan ang mga sinabi ni Fred. Matalinghaga. Masyadong mahirap arukin. Bakit nasali sa Mareng Precy.

“Langya Pare akala ko pa naman e mahinhin ang babaing ipinulok mo sa akin. Di ba sabi mo certified virgin? Pre me nakauna na. May nakahalukay na. Ha-ha-ha.”

Nakatingin pa rin si Junior kay Fred pero may na­aamoy na siya sa mga ikinukuwento nito.

“Tinaehan ako ni Precy sa bumbunan, Pareng Junior. Imagine, ilang buwan pa lang kaming nagkakawalay e kinati na. Paano pa kung taon na ang binibilang ng pagkakalayo namin?

“Akala ko Pare, sabi mo e kilala mo si Precy. Bakit ganoon? Tiwalang-tiwala pa naman ako sa’yo, yun pala ay tatarantaduhin ako ng ipinulok mo. Hindi ko talaga maubos-isipin na ganito ang mangyayari. Akala ko nakapulot ako ng ginto ng makilala siya at pinakala-san. Ang napulot ko pala ay tanso, ha-ha-ha.

“Pero hindi ako galit sa’yo Pareng Junior. Siyempre hindi mo alam ang tunay   na pagkatao ni Precy. At saka hindi mo naman talaga siya kaibigan kundi ang kapatid mo lamang…

“Huwag kang mag-alala Pareng Junior at kalmado na ako. Wala na akong galit. Kanina e inilabas ko na sa disyerto. Nagsisigaw ako roon. Nawala ang da-lahin ko…

“Siguro e hindi na ako magtatagal dito, Pareng Junior. Magpa-file na ako ng resignation. Gusto kong matahimik muna. At sigu­ro pagdating sa Pinas e mag-iisip ako kung saan magandang tumira. Gusto ko e yung matatahimik ako. Yung liblib at mapayapang lugar ang gusto ko…

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

BAKIT

JUNIOR

MARENG PRECY

PARENG JUNIOR

PRECY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with