^

True Confessions

Suklam (98)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Bago naghiwalay ang dalawa, madamdamin­ ang sinabi ni Julio kay Brent.

“Maraming salamat, Brent sa mga payo mo—kahit hindi ko sinusunod. Pero ngayon, may aral na ako. Hindi ko malilimutan ang mga sinabi mo. Babalitaan na lang kita sa mga nangyayari sa buhay ko. Ikaw ang una kong pagsasabihan ng problema.’’

“All the time, Julio.’’
Naghiwalay na sila.

Habang pauwi si Brent, naalala niya ang mga ipinagtapat ni Julio ukol kay Vivian. Kung sinunod lamang siya ni Julio, hindi niya daranasin ang sakit. Hindi sana niya makikita ang aktuwal na kataksilan­ ng asawang si Vivian. Mahirap nang maalis sa utak niya ang ginawang kataksilan ng asawa—sa mismong kuwarto pa nila. Hindi na binigyang halaga ni Vivian­ ang kuwarto nilang mag-asawa. Pinugayan ng da­ngal si Julio sa mismong pugad nila. Nakakasuklam!

Sabagay, naisip ni Brent, ang naranasan ni Julio ay walang ipinag­kaiba sa ginawa ng nanay niya sa kanyang tatay. Pinatawad din at binigyan ng pagkakataon ng kanyang tatay­ ang kanyang nanay pero inulit din ang ginawang pangangalunya. Kung nakinig sana si Julio sa kanya hindi ma­raranasan ang ikalawang sakit.

 

SABADO. Tanghaling gumising si Brent. Wala siyang pasok. Mula nang maging superbisor, hindi na siya nag-oobertaym.

Nag-almusal siya. Ma­agang magluto ang kanyang tatay.

Habang kumakain, na­pansin niyang may kausap sa cell phone ang kanyang tatay.

Nang mahalata ng kan­yang tatay na pinakikiram­daman niya ito sa pakiki­pag-usap, lumabas ito ng bahay.

Sino kaya ang kausap ng kanyang tatay at parang pinaglilihim?

Mukhang mahalaga ang pinag-uusapan dahil seryoso ang boses ng kanyang tatay.

Maya-maya, pumanhik na ang kanyang tatay.

Hindi nakatiis si Brent at tinanong ang kanyang tatay.

“Sinong kausap mo ‘Tay?’’

“Ha? A e si kuwan…’’

Halatang nabigla ang kanyang tatay. (Itutuloy)

vuukle comment

JULIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with