^

True Confessions

Salamat, hinango mo ako sa putikan! (Ika-26 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)

MADALING araw nang maramdaman kong may humihimas sa aking boobs. Hindi ko pinapansin noong una sapagkat ang akala ko ay kamay lamang ni Donna na naidantay sa aking dibdib. Hinayaan ko. Malikot kasing matulog si Donna. Isa pang dahilan ay sapagkat parang nananaginip ako. May lumalamas daw sa boobs ko. Ang palad na humihimas sa aking boobs ay makakapal at pakiramdam ko parang dinaanan ng batong panghilod ang aking boobs ko.

Nang ang dalawang boobs ko na ang hinihimas ay saka ako biglang naalimpungatan. Hindi kamay ni Donna ang nasa loob ng aking t-shirt at lumalamas sa aking boobs. Iminulat ko ang aking mga mata subalit pawang kadiliman ang aking nakita. Walang mabuong anyo ng taong lumalamas sa aking boobs.

Patuloy ang paglamas ng mga palad na animo’y panghilod sa kapal. Nang ang siper na ng aking puruntong shorts ang bubuksan ay saka ako biglang nagsisigaw.

"Aling Marina! Aling Marina!"

Malakas ang aking pagkakasigaw na parang kayang gisingin ang buong barangay.

Biglang nagsindi ang ilaw at huling-huli sa akto si Mang Angel na nasa tabi ko. Hindi kumukurap dahil marahil sa pagkabigla.

"Aling Marina, hinihipuan ako ng asawa mo! Hinihipuan ako!" Gimbal si Aling Marina. Hindi makapagsalita.

Mabilis namang nakatanggi si Mang Angel.

"Putang ina, anong hinihipuan? Hindi kita hinihipuang gaga ka!"

"Hinihipuan mo ako," sabi kong malakas.

"Aba at ang walanghiyang ito at pagbibintangan pa ako," sabi na parang totoong-totoo sa pagtanggi.

"Hinipuan niya ako Aling Maring, hinipuan niya ako!" sabi ko pa.

"Huwag kang maniniwala diyan Maring. Gumagawa lamang ng kuwento ang hinayupak na iyan," sagot ni Mang Angel na halos mautal sa pagsasalita.

"Hinipuaan mo akooo! Hinipuan mo akooo!" sabi ko sabay iyak.

Kasabay sa malakas kong pag-iyak ay nakarinig kami ng katok sa pintuan kasunod ay ang pagtawag sa aking pangalan. Si Inay! Dumating na si Inay!

Si Aling Maring nagbukas ng pinto. (Itutuloy)

vuukle comment

AKING

AKO

ALING MARINA

ALING MARING

BOOBS

HINIHIPUAN

HINIPUAN

MANG ANGEL

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with