^

True Confessions

‘Unti-unting pinapatay ang aming kapatid…’ (Ika-10 Labas)

- Ronnie M. Halos -
Editor’s note: Ang matutunghayan ay kasaysayan ni Azucena Victorino-Victoria, isang retired teacher. Kasal siya kay Dr. Benjamin Victoria. Kasalukuyang comatose si Azucena makaraang atakehin ng aneurism noong May 2003. Mula noon marami nang masalimuot na pangya-yari at problema ang lumitaw. Isa riyan ay nang i-hire ni Dr. Victoria ang caregiver na si Shirley Elnar na natuklasang meron silang relasyon.

Hinihiling ng mga kapatid ni Azucena sa isang petisyon sa Korte na sila na ang mangalaga o maging Guardian ni Azucena pero kahit na ang pagdalaw sa nakaratay na kapatid ay hindi pinagbibigyan ni Dr. Victoria. Ang matutunghayan ay sinumpaang salaysay ni Alma S. Rosos, isang dating caregiver na nag-alaga kay Azucena.
* * *
"HINDI ko na gusto ang trabaho mo," sabi raw ni Shirley kay Alma. "Sumasakit na ang ulo ko sa’yo, " dugtong pa raw. Sinabi umano iyon ni Shirley kay Alma noong April 2005. Sobra ang pagtataka ni Alma kung bakit nasabi iyon ni Shirley. Ipinasya ni Alma na tanungin si Dr. Victoria tungkol doon subalit hindi ito sumagot.

Sumunod na buwan ay saka siya sinabihan ni Dr. Victoria na hanggang May 28 na lamang siya. Ang dahilan, marami na raw caregiver. Bukod kay Alma, may tatlo pang caregiver na naglilingkod doon.

Walang nagawa si Alma sa direktiba ni Dr. Victoria. Pero bago siya nakaalis sa pagsisilbi kay Azucena, marami pang nasaksihan at nalaman si Alma sa bahay na iyon tungkol kay Shirley.

Nakita niya na isinusuot ni Shirley ang blouse ni Azucena. May job interview daw si Shirley ng araw na iyon. Bukod sa blouse, isinuot din ni Shirley ang earrings ni Azucena. Tinanong pa raw ni Shirley ang hipag na si Beth (isa ring caregiver) kung bagay ang earrings na isinuot. Sagot naman ng hipag, ay puwede pa namang humanap ng iba sa jewelry box ni Azucena.

Ayon pa kay Alma, ang mga isinuot na damit, sapatos at bag ay hindi na ibinabalik ni Shirley.

Noong Mayo 2005, sinabi raw sa kanila ni Shirley ang balak ni Dr. Victoria na bumalik na sa America kasama si Azucena. Gusto raw ni Dr. Victoria na isama siya roon bilang caregiver ni Azucena. Balak din daw ni Dr. Victoria na pag-aralin siya ng nursing upang makapunta sa America at nang magkasama na sila roon.

Ang matindi ay ang narinig ni Alma na usapan nina Dr. Victoria at Shirley noong May 8, 2005 kung saan ay pinag-uusapan kung papaano papatayin si Azucena. Nasa guest room daw ang dalawa dakong 9:00 ng gabi. Narinig ni Alma na sinabi ni Dr. Victoria kay Shirley na kailangang patayin na si Azucena. Pagod na pagod na raw siya at matagal nang nagtitiis kay Azucena.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALMA

ALMA S

AZUCENA

AZUCENA VICTORINO-VICTORIA

BUKOD

DR. VICTORIA

KAY

SHIRLEY

VICTORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with