^

True Confessions

Jamias (Ika-95 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 5 Command)

MALULUTAS ang krimeng iyon sa Baseco Compound sa isang iglap lang. Hindi naman nasira si Jamias sa pinangako nito kay Manila Mayor Lito Atienza na malulutas ang kaso ng pagpatay sa social worker.

Sinabihan kasi ni Mayor Atienza si Jamias na tutukan at halukaying mabuti ang kaso ng pagpatay. Alamin kung ano ang motibo. Hindi nga nabigo si Jamias sa pangako.

Mayroon na ba siyang nabigo sa kanyang tungkulin? Tanong ni Jamias sa sarili. Wala pa. Lahat ng iatang sa kanyang trabaho ay pinagbubuhusan niya ng pansin. Hindi siya ang tipo ng alagad ng batas na kung hindi pukpukin ay hindi kikilos. Hindi sa pagmamayabang, marami na siyang mga proyektong naisagawa sa bawat station na kanyang pinamumunuan. Hindi siya ningas-kugon na sa simula lamang masigasig at kapag matagal na ay balik sa dating gawi. Tinatapos niya ang lahat ng sinimulan. Hindi siya umuurong.

Iyan nga marahil ang dahilan kung bakit kapag may babaguhin sa isang lugar si Mayor Atienza ay si Jamias ang napipili niyang ilagay.

Natatandaan pa ni Jamias nang simulang baguhin ni Atienza ang Plaza Miranda sa Quiapo. Dati ang Plaza Miranda ay marumi, walang kaayusan, naglipana ang mga mandurukot, snatchers, sala-salabat ang mga sasakyan at walang pirmihang puwesto ang mga vendors.

Pero nang ipatupad ni Atienza ang mga pagbabago para sa lubusang pagpapaganda sa Plaza Miranda at sa Carriedo St., si Jamias ang inilagay niyang commander ng Station 3. Ibig sabihin, malaki ang tiwala ni Atienza kay Jamias na magagawa nito ang mga dapat gawin para maging matagumpay ang pagpapaganda at pagsasaayos sa Plaza Miranda.

At hindi nagkamali si Atienza sapagkat nagbunga ang kanyang pangarap na mapaganda ang Plaza Miranda, at iyon ay dahil sa tulong nina Jamias na noon ay Station 3 commander.

Naging maayos ang Plaza Miranda, naging malinis, nawala ang mga snatchers at iba pa.

(Itutuloy)

vuukle comment

ATIENZA

BASECO COMPOUND

CARRIEDO ST.

ELMER MEJORADA JAMIAS

JAMIAS

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MAYOR ATIENZA

PLAZA MIRANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with