^

True Confessions

Jamias (Ika-49 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Command)

PERO nang akmang iaabot ni Jamias ang tray ng pagkain sa babae ay nagbago ng pasya ang lalaki at muling sinunggaban ang isang babae at tinutukan. Mukhang may sira na sa ulo. "Niloloko mo yata ako. Hindi mo ako maloloko," sabi at umatras.

Naloko na! Mukhang wala nang ibang magagawa kundi ang marahas na aksiyon. Kung hindi kikilos ay baka may mapatay na ang lalaki.

"Pakawalan mo ang babae at kumain ka na. Alam ko nagugutom ka na. Eto ang pagkain o..."

"May lason siguro ‘yan kaya ipinipilit mo sa akin. Wise ito no?."

"Pakawalan mo na ang babae. Pag-usapan natin kung ano ang iyong problema."

"Problema? Wala naman akong problema."

May sira na nga ang ulo. Wala na sa direksiyon ang isip.

"Kung wala kang problema, pakawalan mo na sila."

"E kung may gawin ka sa akin. Kung barilin mo ako."

"Hindi. Ba’t kita babarilin," sabi ni Jamias at hinugot ang baril at ipinatong sa isang mesa.

"O ayan paano kita mababaril?"

Nakatingin ang lalaki. Nakumbinse. Binitawan ang hawak na babae.

vuukle comment

ALAM

BINITAWAN

ELMER MEJORADA JAMIAS

ETO

JAMIAS

MUKHANG

PAKAWALAN

POLICE SUPT

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with