^

True Confessions

Liwanag sa kamatayan ng dalawang parak (Ika-56 labas)

- Ronnie M. Halos -
(True-to-life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula, commanding officer ng WPD-Mobile)

ANG tinedyer na naging impormante nina Sapitula tungkol sa kaso ng pagpatay kina "Batman and Robin" ay isang Bisaya at nagbebenta ng mga sasabunging manok. Isa sa mga nabentahan niya ang grupo ng Bonnet Gang na yumari sa dalawang pulis ng holdapin ang F&A Money Changer sa Malate.

"Binunggo namon an duha nga pulis,"
sabing nagkukuwento ng tinedyer kina Sapitula, WPD Director Efren Fernandez at SPO2 "Pinong" de Castro.

"Anong ibig sabihin nu’n ‘Bay?" tanong ni Sapitula.

"Sinagasaan daw nila ang dalawang pulis. Nagtatawanan pa sila Major habang nagkukuwentuhan. Para bang ang pagpatay nila ay karaniwan na lamang."

"Ano pang narinig mo?"

"Nang kumain sila sa kalapit na karinderya ay muli ko na namang narinig ang kanilang usapan. Paulit-ulit nilang pinagkukuwentuhan ang pagsagasa sa dalawang pulis. Hindi nila alam na pinakikinggan ko sila. Sa tingin ko mga halang ang kaluluwa nila."

"Anong itsura nila ‘Bay?"

"Mga mukhang killer talaga," at nag-isip ang tinedyer. Inalala ang mga mukha ng miyembro ng Bonnet Gang. "Mga mukhang hindi sila pahuhuli ng buhay."

"Sa palagay mo anong edad sila?" tanong ni SPO2 de Castro.

"Mga mahigit treinta anyos siguro sila."

Itinuro ng tinedyer kung saang lugar makikita ang grupo.

Makaraang makakuha ng warrant of arrest, nagsagawa ng operasyon sina Sapitula at Supt. Laciste laban sa Bonnet Gang. (Itutuloy)

vuukle comment

A MONEY CHANGER

ANO

ANONG

BATMAN AND ROBIN

BONNET GANG

DIRECTOR EFREN FERNANDEZ

ROMULO E

SAPITULA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with