^

True Confessions

Yapak Sa Bubog (Ika-129 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-Khobar,Saudi Arabia.Si Ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi.Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)

ANG pangamba sa mukha ni Ellie ay hindi pa rin naaalis. Mas naging mabigat para sa kanya sapagkat parang torture na hindi niya alam kung kailan babagsak ang talim. Para kay Ellie, mas maganda kung matatapos nang maaga ang problema kaysa naman minu-minuto o oras-oras ay iniisip niya kung ano ang mangyayari.

"Masama ang naiisip ko, baka sorpresahin ako ng malanding Aziza at bigla akong sisipain dito," sabi nito at bumuntung-hininga.

"Malay mo na tinatakot ka lang ni Aziza gaya ng nangyari noon nang makita ang itinatago mong bold tape."

"Kinakabahan ako, Ren."

Pinakalma ko. Hinapit ko ang baywang at dinama ang malusog na boobs. Pumiksi. Unang pagkakataon na ginawa niya ang pagpiksi. Dati’y siya pa ang humaharot sa akin.

"Wala ako sa mood na "mag-ano" tayo."

"Huwag mo na kasing isipin ang nangyari."

"Hindi maaaring hindi ko isipin. Pero kapag nangyari iyon, sasama ka sa akin sa pag-alis dito ha?"

Tumango ako.

Ilang araw pa ang lumipas at walang nangyari. Napansin kong kumalma ang kalooban ni Ellie. Isang buwan ang lumipas at wala rin. Ganap na natahimik si Ellie. Ako naman ang hindi mapakali sapagkat mula nang mangyari ang pagsasagutan nina Ellie at Aziza ay ako ang parang natalo. Hindi na kasi kami nagkaroon ng pagkakataon ni Aziza. Hindi na siya nagpapakita ng pagkagusto na ituloy ang nasimulan namin. Iyon ang hinala ko. Gusto kong magalit kay Ellie. Kung sana’y isinumbong na siya ni Aziza, tapos na sana ang lahat. Maaaring wala na siya – pinauwi na sa Pinas at ako’y maiiwan. Dahil doo’y magkakaroon na kami ng pagkakataon ni Aziza. Matitikman ko na ang "putaheng Araba" na matagal nang nagpapahirap sa akin. Naghihimutok ako sa nangyaring iyon. Hindi na si Ellie ang matimbang kundi ang pagnanais kong makaniig na si Aziza.

Dahil walang nangyari sa mga inaasahan namin, naging normal na naman ang takbo ng buhay. Madalas na naman si Ellie sa aking kuwarto tuwing gabi. Naging mas matapang pa nga at mas malikot si Ellie sa mga sumunod na pagsasalo namin sa bawal na pagkain.

Hindi namin alam, nalalapit na pala ang katuparan ng kinatatakutan namin. Iyon ay naganap makaraang mahuli kaming nagtatalik ni Ellie. Ang nakahuli sa amin ay walang iba kundi si Aziza! Caught in the act talaga kami. Walang kawala. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

AZIZA

DAHIL

ELLIE

IYON

REN E

SAUDI ARABIA

SI REN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with