^

True Confessions

Yapak sa bubog (Ika-124 na Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-Khobar,Saudi Arabia.Si Ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi.Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)

Alam kong nakasubaybay sa amin ni Aziza si Ellie. Nakita ko siya sa may pintuan ng kitchen bago ako pumasok sa aking kuwarto. Alam kong problema ang susunod na mangyayari. Maaaring sumiklab ang gulo sa pagitan ng dalawang babae.

Humiga si Aziza sa aking kama. Sanay na sanay na. Alam kong hindi ang pang-ipit sa buhok ang kanyang sadya kundi para magkasarilinan kami. Iisa ang palagay ko, sadya niyang ginagawa iyon upang inisin si Ellie. Noon pa man ay mayroon na silang hindi magandang pakikitungo sa isa’t isa. Alam ko sapagkat minsan ay nasabi sa akin ni Aziza na "karban" (sira-ulo) daw si Ellie. Tanong ko’y bakit niya nasabing "karban" si Ellie. Ang sagot ay hindi raw siya kinikibo maski kinakausap niya. Galit daw siya kay Ellie. Mas mabuti pa raw si Tet noon. Sabi ko nama’y mabait si Ellie. Lahat ng Filibini (Filipino) ay mababait. Hindi raw. Masama raw si Ellie. Kaya nga siguro bilang pang-aasar ay ninanakaw ni Aziza ang gamit ni Ellie.

May lihim na silang pag-aaway at ngayon nga’y nakikinikinita kong magkakaharap sila. Maliban na lamang kung si Ellie ang magpapakahinahon. Natitiyak kong hindi magdadalawang-isip si Ellie na sumunod sa kuwarto lalo na at wala nga sina Sir at Mam sa bahay sapagkat may pinuntahang okasyon.

Itinanong uli ni Aziza ang tungkol sa pang-ipit sa buhok. Nangungulit na. Ang pagkakahiga niya sa aking kama ay nanunukso na. Nakalilis ang manipis na damit at nakalantad ang hita. Tinatakaw ako.

"La! Mafi!"
sagot ko. Wala akong nakikitang ipit.

"Atazakar!"
(Natatandaan ko.)

Ipinilit kong wala. Lalo namang nalilis ang damit. Nakita ko ang itim na panloob. Me sumisikad sa kaibuturan ko. Huwag ngayon! Maaaring dumating si Ellie! Kung anu-ano ang sumigaw sa kabilang bahagi ng aking utak. Malaking problema ang mangyayari.

Hinagip ni Aziza ang aking kamay at pinauupo ako sa gilid ng kama. Ang pagkalilis ng damit ay nag-aanyaya. Napaupo ako subalit may takot na baka biglang dumating si Ellie.

"Hal anta fi hala jaiyedah?"
Okey na raw ba talaga ako.

Hindi ko na nasagot ang tanong ni Aziza sapagkat narinig namin ang pagbukas ng pinto at pagkuwadro ni Ellie sa pinto.

"Maza tahtaj?"
sigaw ni Aziza kay Ellie. Galit ang tinig. (Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

AZIZA

ELLIE

GALIT

MAAARING

NAKITA

REN E

SAUDI ARABIA

SI REN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with