^

True Confessions

Yapak Sa Bubog (Ika-115 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al Khobar,Saudi Arabia.Si Ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi.Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)

MAHIRAP pero nilabanan ko para walang mangyari sa amin ni Aziza sa gabing iyon. Naisip ko na baka iyon ang maging katapusan ng aming relasyon. Nagdusa ako sapagkat natatangay na akong parang ipuipo nang marahan niyang idampi ang kamay sa aking "harapan". Ang patay ay nabuhay at ang sikad ng dugo ay umabot sa aking utak. Pinakamahirap ang sitwasyong iyon sa katulad kong mahilig sa anak ni Eba. Nagsinungaling na lamang ako kay Aziza at naniniwala naman na ako ay maysakit. Pero nanghinayang ako. Kung bakit kasi kung kailan narito na si Ellie saka naman nagkusa si Aziza na puntahan ako sa kuwarto at naghamong gawin na ang hindi naman magawa-gawa noon pa.

Makalipas lamang ang kalahating oras ay dumating na si Ellie. Kung nagkataong hinayaan ko si Aziza at tinikman namin pareho ang pagkaing bawal, mahuhuli kami sa akto. Walang kawala. Hindi makatatakas.

Bagong paligo si Ellie. Ang samyo ng ginamit na sabon ay mabango ang da-ting sa aking ilong. Sariwang-sariwa, malinis na malinis. Hindi ako kumilos sa pagkakahiga sa kama. Para akong hari na naghihintay lamang ng serbisyo ng mga masunuring alila. Pinagmamasdan ko ang mga kilos ni Ellie. Masaya siya.

Bumalik sa pintuan si Ellie at ikinandado. Noon lamang niya iyon ginawa. Aywan ko kung bakit. Dati ay kakabigin lamang niya ang pinto at saka kami magniniig. Parang takot siya na may makahuli sa amin.

Nasundan ko ang kanyang kilos. Sa tingin ko’y lalong gumanda ang porma ng katawan ni Ellie sa may isang buwang pamamalagi sa Riyadh. Bilib din ako kay Ellie sa pangangalaga ng katawan. Nami-maintain niya ang pagkain ng sariwang prutas at gulay. Iyon ang sekreto niya, sabi sa akin noon pa mang nasa Jeddah raw siya.

Nasa harapan ko si Ellie at ang ngiti ay pagkatamis-tamis. Ako nama’y hindi kumikilos. Para akong hari sa pagkakahiga. Inalis ni Ellie ang kanyang damit. Natambad sa akin ang makinis na katawan. Wala na pala siyang ibang saplot sa loob. Handang-handa na sa pakikipaglaban.

Tumabi siya sa akin sa pagkakahiga. Umisod ako ng bahagya. Alam kong sabik na sabik si Ellie at kung hindi matutuloy ang labanang iyon, maghuhuramentada siya.

Nagsimula ang laban. Nagliliyab sa pagnanasa. Madali akong nadarang dahil sa sinimulan ni Aziza. Si Ellie ay natutupok na. Pareho na kami. Nang aktuwal na ang paghahamok ay kung bakit si Aziza ang naimadyin kong katabi sa kama. Siya ang gumagawa ng trabaho ni Ellie.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

AL KHOBAR

ALAM

AYWAN

AZIZA

ELLIE

REN E

SAUDI ARABIA

SI ELLIE

SI REN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with