^

PSN Palaro

Dynasty ipinagpatuloy ng Cool Smashers

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Dynasty ipinagpatuloy ng Cool Smashers
Ito ang sinabi ni vete­ran Alyssa Valdez ma­tapos kum­pletuhin ng Cool Sma­shers ang 2-0 sweep sa Choco Mucho Flying Titans sa kanilang best-of-three championship series.

MANILA, Philippines — Kung may naipakita at napatunayan man ang Creamline sa pagkopo sa korona ng 2024 PVL All-Filipio Conference, ito ay ang pagtitiwala sa isa’t isa anuman ang mangyari.

Ito ang sinabi ni vete­ran Alyssa Valdez ma­tapos kum­pletuhin ng Cool Sma­shers ang 2-0 sweep sa Choco Mucho Flying Titans sa kanilang best-of-three championship series.

“This win, this confe­rence, just proved that we stick and stay together despite everything,” sabi ng 30-anyos na si Valdez. “It showed our faith and hope, na kakapit kami hanggang dulo.”

Tinalo ng Creamline ang Choco Mucho sa Game One, 24-26, 25-20, 25-21, 25-16, at sa Game Two, 20-25, 25-20, 22-25, 25-22, 15-11, para angkinin ang pang-walong PVL crown.

“One thing na na-prove ng challenges namin this conference is iyong pagtutulungan namin hanggang dulo. Everyone helped. La­hat hindi bumitaw,” wika ng tinaguriang ‘Phenom’.

Kumpara sa 15-0 pag­wa­lis sa nakaraang kompe­rensya ay halos muntik nang masibak ang Cool Sma­­shers sa semifinals.

Tinalo sila ng Flying Titans sa una nilang laro sa single-round semis bago igupo ang Petro Gazz Angels at Chery Tiggo Crossovers para ilista ang 2-1 record.

Winalis ng Choco Mu­cho sa likod ni Sisi Rondi­na ang tatlo nilang laro sa se­mis papasok sa ikalawang PVL finals stint.

“Sobrang hirap talaga kasi minsan gumigising ka­mi sa umaga na ‘aabot ba tayo?’ pero alam lang namin na sa mga susunod pang mga laban namin, sa mga susunod na championship, alam namin na ka­ya naming lumaban,” ani Jema Galanza na hinirang na Finals MVP.

Sa panalo ng Creamline sa Game One at Two ay humataw si Galanza ng parehong 20 points at nakahugot ng suporta kina Valdez, Tots Carlos, Mi­chele Gumabao, Kyle Negrito, Pangs Panaga at Bernadeth Pons.

Sa susunod na kumperensya ay inaasahang mu­ling makakasama ng Cool Smashers si veteran setter Jia de Guzman na naglaro sa Japanese league.

“Iyong status niya hindi pa namin alam but we will know bago mag-start next conference,” pahayag ni coach Sherwin Meneses kay De Guzman.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with