Visa requirements ng Chinese tourists hihigpitan
Suportado ng Bureau of Immigration (BI) ang paghihigpit sa visa requirements sa mga turistang Chinese.
Ayon sa BI, makakatulong ito sa pambansang seguridad lalo pa nga umano ay dahil sa maraming iligal na aktibidad ang kinasasangkutan ng Chinese nationals sa bansa.
Pinalagan kasi ng Philippine Travel Agencies Association (PTAA) ang unang naging pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na paghihigpit sa pagkuha ng visa sa Chinese nationals sa mga bumibisita sa bansa.
Ayon nga sa PTAA, nagdi-discourage umano ito sa halip na humikayat ng mga bisita para sa turismo ng bansa na nakakaapekto rin umano sa negosyo.
Pero ayon sa BI, bagama’t kahit mahalaga ang paglago ng turismo para sa ekonomiya ng bansa, mas higit na dapat nga naman na ikunsidera ang pag-iingat para protektahan ang interes ng publiko.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, kailangan ding matignan ang isyu sa national security, para sa kapakanan at kaligtasan ng bansa.
Mahigpit aniya, ang ginagawang inspeksyon ng BI sa foreign tourists arrivals lalo na sa mga sangkot sa mga iligal na gawain.
Isa yata ang mga Chinese sa mga nangungunang turista na bumibisita sa bansa taun-taon.
Kung tutuusin, malaki ang kontribusyon nito sa turismo sa bansa.
Bagama’t malaking tulong, siyempre pangunahing pa rin ang interes ng seguridad ng bansa.
Base nga kasi sa ulat, kabilang sa mga napaulat ang pagkakasangkot ng Chinese nationals sa human trafficking, prostitution, kidnapping, at fraud at may mga naiugnay sa iligal na pagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).
Ganito rin naman marahil ang gagawin ng ilang bansa sa pumapasok sa kanilang mga bisita, kaya nga sa ilang bansa bagamat may visa ka na, sasalain at sasalain ka pa rin ng kanilang immmigration.
Nasa immmigration officer yan kung pinagdududahan ka, ire-reject nila ang entry mo sa bansa.
Iba na rin ang nag-iingat, kahit may ilang masasakripisyo na pakinabangan.
- Latest