Retiradong sundalo dedo sa tandem
MANILA, Philippines — Isang retiradong sundalo ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa nakilalang riding-in-tandem sa naganap na ambush sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Lunes ng hapon.
Kinilala ang nasawing biktima na si Danny Alif Lakim, 68-anyos, residente ng Poblacion Salbu, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.
Sa ulat ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station (MPS), alas-3:45 ng hapon ay minamaneho ng biktima ang kanyang sasakyan sa kahabaan ng national highway, Brgy.Kurintem patungo sa Cotabato City nang sundan ng mga suspek na nakamotor.
Pagtapat ng mga suspek sa behikulo ng biktima ay pinagbabaril ito na kung saan ay tinamaan ang una kaya’t nagpagewang-gewang ang takbo bago ito bumulusok sa mababaw na bangin at sumalpok sa puno ng niyog.
- Latest














