Trike driver dedo sa sampal ng kabaro

Nagtalo sa nawawalang bag…
MANILA, Philippines — Namatay ang isang tricycle driver nang sampalin ng kapwa tricycle driver na kanyang pinagbintangan na nakapulot ng nawawala niyang bag sa kanilang terminal sa Quezon City, nitong Lunes ng hapon.
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si alyas “Nerza”, 64, may-asawa, ng Ilagan St., Brgy. Paltok, Quezon City.
Habang nakakulong na ang suspek na si alyas “Laurio”, 34, tricycle driver at kapitbahay ng biktima.
Sa ulat ng Masambong Police Station (PS-2), bago nangyari ang insidente, alas-9:10 ng gabi noong Linggo sa terminal ng tricycle sa kanto ng Kundiman at Ilagan Sts., Brgy. Paltok, Quezon City.
Kinompronta umano ni Nerza ang suspek at inakusahan na nakapulot ng kanyang bag na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa sampalin ng suspek ang una dahilan upang mawalan ng balanse at tumumba saka tumama ang ulo sa semento at nawalan ng malay. Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspek.
- Latest















