^

Police Metro

NCRPO: Mananakit sa pulis, kakasuhan

Mer Layson, Ludy Bermudo - Pang-masa

Sa mga kilos-protesta…

MANILA, Philippines — Ang sinumang mananakit sa isang pulis habang ito ay tumutupad sa kanyang tungkulin ay maaaring kasuhan ng Direct Assault sa ilalim ng Revised Penal Code ng Pilipinas.

Ito ang naging babala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director Police Brigadier General Christopher Abrahano sa mga indibidwal na mananakit ng mga pulis at sadyang gagamit ng karahasan sa gitna ng mga kilos-protesta ay pananagutin alinsunod sa batas.

Kasunod ito ng mga naganap na komosyon noong Nobyembre 15 sa Liwasang Bonifacio sa Maynila, kung saan 15 tauhan ng pulisya ang nasugatan habang nangangasiwa sa mga demonstrasyon sa gitna ng pagho-host ng bansa sa 49th ASEAN Summit.

Lahat ng nasugatang pulis ay nabigtan ng kinakailangang atensiyong medikal at nakabalik na sa kanilang tungkulin.

Inatasan niya ang mga kinauukulang yunit ng pulisya na maayos na idokumento ang mga insidente, tipunin ang mga available na video footage at iba pang ebidensiya, tukuyin ang mga ressonsable, at magsampa ng kaukulang kasong kriminal laban sa mga indibidwal na mapatutunayang nakagawa ng mga paglabag.

Samantala, pinaimbestigahan na ni National Police Commmission (Napolcom) Commissioner Ralph Calinisan ang insidente.

ASEAN SUMMIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with