^

Police Metro

Cagayan solon, pamilya sinisiyasat sa bilyong plunder

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan ng Ombudsman si Cagayan Third District Rep. Joseph “Jojo” Lara at miyembro ng kanyang pamilya sa kasong plunder at graft na may kinalaman sa multi-bilyong pisong halaga ng mga kontrata ng pamahalaan.

Si Lara, nagsilbing vice chairperson ng House Appropriations Committee sa ika-19 na Kongreso, ay may ugnayan diumano sa Pulsar Construction Corporation, JDL5 Construction Corporation, at JLL Pulsar Construction Corporation na inuugnay sa mga maanomalyang transaksyon at kontrata.

Ayon kay Ombudsman Crispin Jesus Remulla, maaa­ring hindi talaga naganap ang divestment ng mga interes ni Lara sa mga naturang kumpanya ng konstruksyon pero ang mga transaksiyong pinansiyal na nag-uugnay sa mga bayad sa naturang mga kumpanya ay napunta sa pribadong bank account ng mambabatas na nagkakahalaga ng P1.9 bilyon.

Kasama rin sa preliminary investigation ang asawa ni Lara na si Zarah Rose; ang mga anak na sina Joseph Joshua, Joseph Jeremy, Joseph Kyle, at Joseph II; at ang kanilang manugang na babae na si Jessa Lara.

Nagkamal diumano si Rep. Lara ng nasa P10.02 bilyong nakaw na yaman sa pakikipagsabwatan sa mga miyembro ng kanyang pamilya habang nakaupo sa tungkulin sa gobyerno.

Sa ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), nakatanggap si Lara ng higit sa P1.9 bilyon mula sa mga kamag-anak, mga kaakibat na entities, at mga tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagitan ng 2019 at 2025.

CAGAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with