Pokwang, may resbak sa P170k

Nag-react na rin si Pokwang sa proposal ni Senator Alan Cayetano na lahat tayong mga Pilipino mag-share ng P170,000 para mabayaran ang trillion na utang ng Pilipinas.
Sa kanyang Instagram Story inilabas ni Pokwang ang kanyang saloobin sa controversial na proposal ni Sen. Cayetano. “Sana po hindi totoong sinabi n’yo ito APC kasi hahanapin ko pa tuloy kung saan ‘yung ninakaw ko! Haaayy.”
Sa isa pang post sa Instagram story, larawan ng dalawang tao na nakaupo sa gilid ng kalsada ang ipinost ni Pokwang at may caption na “Kasama po sila sa sinasabing mag ambag ng 170K!!! ni hindi na nga makapag kape kase itataas naman ang presyo!!!”
Sinundan pa ng isang hirit na “Wag kasing nakaw ng nakaw yan ang solusyon!!!”
Siguradong marami ang nag-agree sa post na ito ni Pokwang dahil imposibleng makapag-ambag ang lahat ng taumbayan ng ganu’ng kalaking halaga.
Anyway, natutuwa ang TV viewers na isinasama na ang proposal ni Sen. Cayetano sa script. Sa isang episode ng Taskforce Firewall, namomroblema si Buboy Villar kung saan makakautang ng P170K para share raw niya. Tanong ni Jak Roberto, sakaling may magpautang sa kanya, saan naman siya kukuha ng ipambabayad sa inutang.
Tapos may kasunod na agad na isyu at ito ay ang suhestiyon na buwisan ang kape. Hintayin ninyo ang pagsabog ng dibdib ng mamamayan kapag ipinatupad ito.
- Latest




















