Mark at Sen. Lito, ‘di nagpapabayad kay Coco

Bagama’t abalang-abala si Mark Lapid bilang Chief Operating Officer (COO) ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), naisisingit pa rin niya sa kanyang hectic schedule ang pag-arte na aniya ay passion din niya talaga.
Kasalukuyan siyang napapanood sa Sigabo ni Coco Martin at he makes it a point na makapag-taping kahit once a week. Siyempre, ang pag-arte ay namana niya sa kanyang amang si Sen. Lito Lapid na sumikat sa industriya bilang isang mahusay na action star.
Nakatsikahan namin si Mark kahapon over lunch with the entertainment press kung saan ay nagbigay siya ng updates tungkol sa mga pinagkakaabalahan niya.
Napag-usapan nga sa tsikahan ang friendship nila ni Coco na more than 10 years now na nagsimula pa during FPJ’S Ang Probinsyano to FPJ’s Batang Quiapo at ngayon, sa Sigabo. “Parang magkapatid na kami ni Coco. ‘Yun naman, since we started in Probinsiyano, ‘di ba? So, nagtutulungan kami. There are things na nagtutulungan kami, not being as an actor, hindi na ‘yun, but ‘yung tulungan namin, malasakit namin, I think, pare-parehas lang, sa industriya.
“That’s why, nu’ng kinausap niya kami to join him in Probinsiyano pa lang, when we started, kami ni erpats, hindi lang naman ‘yung papel namin ang ginagampanan namin (but) including sa different scenes na kaya naming tumulong, mapagaan ang isang eksena especially on the action side, tumutulong kami.
“We don’t ask for any payment for that. Tulong lang kami. Hanggang ngayon, tumutulong kami,” aniya.
Nilinaw ng press sa kanya kung may talent fee ba siya sa Sigabo ngayon at aniya ay wala raw dahil tumutulong lang daw talaga sila.
“For Sigabo. Sa Probinsyano, we earned, we were paid. For Batang Quiapo, we helped,” aniya.
Ginagawa rin daw nila ito para tulungan din ang ABS-CBN na alam naman ng lahat na dumaraan pa rin hanggang ngayon sa krisis.
When asked kung parte ba sila ng production or nag-invest ba sila sa Sigabo, aniya ay hindi naman daw at tumutulong lang talaga.
Sa ngayon ay mas naka-focus daw sila talaga kung paano matutulungang makabangon ang movie industry pagdating sa pagpapababa ng taxes.
“‘Yung bill ni Sen. (Lito), ang itinutulak po namin is to really mapababa ang presyo ng cinema right now, not to be impar with the international, like Hollywood movies,” aniya.
Ang goal daw nila ngayon ay mas mapababa ang presyo ng tickets for local movies at kung magagawang P100 or P150 na lang ito upang makatulong para manumbalik ang sigla ng mga tao na manood sa mga sinehan.
When asked kung saan siya mas nag-e-enjoy between showbiz and politics, sey ni Mark siyempre ay sa showbiz. Magkaibang-magkaiba raw ang dalawang mundo.
Sa showbiz ay mas magaan ang trabaho compared sa politika na malaking responsibilidad at pressure ang kaakibat.
- Latest
























