Liza, kinakapitan ng bashers

May mga wala pa ring magawa at patuloy na bina-bash si Liza Soberano at hindi sila sold sa achievement nito sa Hollywood.
Pati itong pagiging juror niya sa 93rd Venice International Film Festival for Golden Globes Impact Prize for Documentary, minamaliit ng kanyang bashers.
Ang hindi lang maikakaila, hindi makukuha ng fans na namba-bash kay Liza ang mga naaabot nito ngayon. Nakagawa ng Hollywood movie kabilang ang animation na Forgotten Island.
Hindi rin maiimbitahan ang mga idolo ng bashers ni Liza ang pag-attend niya sa DVF (Diane von Furstenberg Awards) na naganap sa Venice. May photo si Liza na kaharap si Diane von Furstenberg at may photos din kasama ang ilang celebrity na dumalo rin sa nasabing event.
Siguradong may mga project pang gagawin sa Hollywood si Liza at may mga event pa siyang dadaluhan at makakasama ang foreign celebrities.
Lea, binaha ng pagbati sa star
Na-witness ni Pops Fernandez ang pagtanggap ni Lea Salonga ng Hollywood Walk of Fame dahil nasa Los Angeles si Pops.
Ang ibang celebrity na wala sa L.A., sa Instagram ni Lea nagpaabot ng pagbati. Kabilang si Anne Curtis sa message niyang “The one and only. Congratulations po!!!” Si Lani Misalucha sa message na “Congratulations to the one and only LEA SALONGA.” Sabi naman ni Iza Calzado, “Beaming with pride! We have always looked up to you @msleasalonga and it’s amazing to see your star shine even brighter and have your name forever etched on the Hollywood Walk of Fame! Mabuhay ka!”
Sabi naman ni Martin Nievera, “Tears of pride a pure joy pour from my eyes as I watch from long distance a fellow colleague, a dear friend and a fierce Filipino literally get what she deserves! Her place in history! The first Filipino to be honored with a star on Hollywood’s Walk of Fame. I am so proud of you Lea! Keep walking famously.”
Nagpaabot din ng pagbati si Arnel Pineda, “Indeed a very very well deserved honor” at iba pang celebrity. May fans din ng BTS na nag-congratulate kay Lea proud sila sa kanilang co-Army (pangalan ng fandom ng BTS).
Nakakatuwa si Lea dahil sa simula ng ceremony, nang alisin ang takip ng marker, pumalakpak at ang paulit-ulit na sinabi ay “Oh, my God!” at “It’s real!” Hinaplos pa ang marker habang nagtsa-chant ng pangalan niya.
Charlene, proud sa bongga
Tsinek namin at parang first time nag-post si Charlene Gonzalez-Muhlach ng photo ni Atasha Muhlach na promo ng Bongga Ka ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical. Hindi pa nga niya sariling post ang ginamit ni Charlene, ni-repost ang post ng Fullhouse Theater Company.
In fact, walang caption ang post ni Charlene, pero ramdam ang pagiging proud nito sa anak. Lalo na kung nababasa ni Charlene ang mga comment congratulating Atasha, nagpahayag ng excitement ang fans at nangakong susuportahan ang first time na magbibida si Atasha sa isang musical.
Sa Sept. 18, 2026 na magsisimula ang takbo ng musical at gaya sa opening ng Bagets the Musical, looking forward kami na makakita ng manonood na naka-costume ng dekada ‘90. Masaya ito!
Sabi nga ng Fullhouse Theater Company, “Experience the glitz and glamour of Coco Banana and groove to the Iconic Manila Sound hits of Hotdog.”
Magiging proud pa nito sina Charlene at Aga Muhlach dahil nakatanggap ng 6 citations ang Bagets The Musical sa 17th Gawad Buhay Awards. Tampok naman sa nasabing musical ang anak nilang si Andres Muhlach.
- Latest




















