Alden, namatayan ng aso!

Kamakailan ay nakapagbakasyon si Alden Richards sa isang private resort sa Palawan.
Mag-isang nagbiyahe ang Kapuso actor at naranasang mag-scuba diving at ilan pang aktibidad sa lugar. “In 15 years, going 16, it’s my first ever solo trip without anyone with me. It’s so liberating. I’m planning to do it more often,” nakangiting pahayag ni Alden sa 24 Oras.
Habang nagbabakasyon ay nakatanggap umano ang Asia’s Multimedia Star ng isang masamang balita. Labis na ikinalungkot ni Alden ang pagkawala ng kanyang alagang aso. “Yeah, ‘yon lang, namatayan ako ng aso, si Summer. That broke my heart. Feeling ko kasi may certain parts of her na sinalo niya ‘yung mga nangyayari sa akin ngayon. I’m just hoping for the better. I know she’s in a better place,” pagbabahagi ng Kapuso actor.
Maraming nadiskubre sa sarili si Alden sa loob ng apat na araw na mag-isa lamang nakapagbakasyon sa Palawan. Ngayon ay nakabalik nang muli sa kabi-kabilang trabaho ang aktor. “At the end of the day, no’ng nando’n ako, a lot of realizations and contemplations. Parang hindi natatapos ang buhay hangga’t humihinga ka, hangga’t ginigising ka ni Lord everyday. Meron at merong something for you out there. We have our own struggles, our own challenges, but let’s be grateful. Look at the bright side of it because our life is someone else’s dream,” makahulugang pahayag ng Asia’s Multimedia Star.
Keempee, nangapa!
Lubos ang pasasalamat ni Keempee de Leon sa GMA Network dahil muling nabigyan ng isang bagong proyekto. Napapanood ngayon ang aktor sa seryeng Delivery Boi na pinagbibidahan ni Will Ashley. “Well, thankful ako sa GMA kasi binalik nila ‘yung pagka-comedy naman, dramedy naman ngayon. So medyo experimental after so many years na hindi ginawa ‘to. Noong una medyo nangangapa kami pero after a while naging maganda naman ‘yung takbo,” paglalahad ni Keempee.
Ayon sa aktor ay hindi dapat palampasin ng mga manonood ang bawat eksena ng kanilang bagong serye. Kabilang din sa Delivery Boi sina Mika Salamanca, Eric Quizon, Meryll Soriano, Yasser Marta, Vince Maristela, Maricar de Mesa, Mikoy Morales at Gio Alvarez. “Maraming-marami pang mangyayari kasi ayoko i-spoil. Kumbaga, mas ngayon lumalabas ‘yung kababalaghan. Thankful kami sa lahat ng mga sumusuporta. Maraming, maraming salamat sa inyo,” pagbabahagi ng aktor. — Reports from JCC
- Latest




















