Kim, wala nang paramdam!

Nagpapasalamat ang kampo ni Lakambini Chiu na kahit paano ay nabawasan ng konti ang recommended bail mula sa P5.8 million, naging P5.6 million na.
Sabi sa ulat, umabot ng halos P2.9 million ang binawas na bail, pero as of this writing ay wala pa kaming nakuhang impormasyon kung nakapag-bail na ba si Lakam.
Maaaring nagkakahati-hati na ang kanilang pamilya, pero ang tanging panalangin ng lahat na maghilom ang sugat at pairalin pa rin ang pagpapatawad.
Sabi ni Kim sa Come Dine With Me, devotee raw siya ni Padre Pio, at doon siya nagdasal nung may sakit ang Ate Lakam niya.
Kaya ko isinulat ito dahil kahapon ay fiesta ni Padre Pio, at ito ang pinag-usapan sa misang dinaluhan ko.
Ang sabi ng pari na si Fr. Jowel Jomarsus Gatus, ang gusto ni Padre Pio ay katahimikan.
Na-experience raw nila nung pumunta sila sa shrine ni Padre Pio sa Italy, medyo maingay raw ang mga kasamahan niya na abala sa pagpapa-picture.
Biglang may narinig daw silang boses ng isang lalaki na sumigaw ng “quiet!” Hindi nila alam kung saan nanggaling. Pero feeling nila ‘yun ang gustong iparating ni Padre Pio.
Kaya ang mensahe ng misa kahapon na sa gitna ng mga pagsubok, sa gitna ng galit at mga hinaing sa buhay, dapat ay manahimik na lang.
Huwag pairalin ang matinding galit na gustong makaganti. Kundi manahimik.
Si Kim Chiu ang naalala ko nung oras na ‘yun. Siya ang hinihintay ng lahat kung ano ang sasabihin niya kaugnay sa isyung ito nilang magkapatid.
Pero tahimik lang ang Kapamilya actress. Wala pa rin silang inilalabas na statement.
Pero ang hangad ko sa kanya ay hindi lang tahimik sa isyung ito, kundi katahimikan sa kanyang puso.
Inaasahang sa tahimik na puso ay mangibabaw ang pagmamahal at pagpapatawad.
Hindi pa bumabalik si Kim sa It’s Showtime.
Ayon sa nasagap naming kuwento, pagkatapos daw ng shooting niya sa A Perfect Marriage ay magwe-wellness leave raw siya.
Wala lang kaming ideya kung saan.
Nung end of August pa sila natapos ng shooting sa pelikula nlla ni Paulo Avelino dahil hinahabol ito sa deadline ng Metro Manila Film Festival.
Ito ang panlaban ng Quantum Films na dinirek ni Dan Villegas.
Joel Cruz, ayaw nang kumuha ng sikat na endorser
Ngayong araw ay ipagdiwang ni Joel Cruz ang 26th anniversary ng Aficionado Germany Perfume. Dahil sa negosyo niyang ito na pabango, tinagurian siyang Lord of Scents.
May malaki siyang selebrasyon na gaganapin sa Solaire North at ang sabi ni Joel, may ilulunsad daw silang 10 line of perfume na i-endorse ng kilalang content creators.
Wala na pala siyang endorsers na mga artista.
Ani Joel nang makatsikahan namin sa DZRH, “Alam n’yo naman ang mga tao ngayon nasa social media talaga. Hindi lang kami naghahanap ng mga content creators na nagpo-focus sa pabango, kundi pinag-aaralan din ang mga celebrities e.
“Kasi sa celebrities, minsan may perfume na rin sila. Kaya pinipili na rin namin talaga ‘yung gagamitin talaga ‘yung pabango namin. ‘Yung naniniwala talaga sa pabango namin.
“Kasi mahirap kasi sa akin ‘yung kukuha ka ng artista, sikat na sikat. ‘Pag maamoy mo siya, hindi naman siya amoy Aficionado.
“Para sa akin, medyo offensive. Ayaw ko ng ganun. Gusto ko sana, isusuot niya ‘yung ganun. Kasi, pino-promote mo e. Gamitin mo kumbaga.
“Kasi sometimes, it did not happen. Hindi talaga nila ginagamit kasi.”
Sa mga anak ni Joel, nakikita raw niya sa kanyang panganay na anak na si Prince ang interesado sa negosyong ito.
Pero ang isa sa concern daw niya ngayon ay ang spiritual na bahagi ng buhay niya.
Nag-aalala si Joel na baka hindi raw siya makapasok sa langit dahil sa itinuturing daw siyang immoral.
“Kasi minsan naano ako na baka I will not enter in the kingdom of God. But I still keep on praying for that.
“But after saying that, marami talaga akong na-receive na positive comments. Even ‘yung mga sister-in-law ko, sabi nila, ‘sabihin mo kay Joel Cruz, huwag siyang mag-alala. Mabait siyang tao, makakapasok siya sa kaharian ng Diyos,’ ‘yung ganun,” tugon ni Joel.
Lagi raw niyang naiisip ang sinabi ng isang pari sa kanya. MULA SA PAHINA 6
Aniya, “Kasi sa Roman Catholic, sinabi ng isang bishop na it’s immoral ‘yung surrogacy. Napaano ako dun, napaisip ako dun. Kasi nga sa Roman Catholic, gusto nila mag-asawang tao na because of their love, mabubuo ‘yung anak. E sa akin, hindi ko asawa ‘yun e. Surrogate mother ‘yun e, o egg donor e.
So, parang ‘yun nga! Kung pakikinggan ko ‘yung Katoliko, nakokonsensya rin ako.
“But you know, sabi ko nga, ang daming pari ang nagdasal sa akin na magkaanak ako through surrogacy,” dagdag niyang pahayag.
Kaya ngayon ay lagi raw siyang nagdarasal at nagpaka-healthy living siya para mas humaba pa raw ang buhay niya.
“E 61 years old na ako. Magkakaroon pa sana ako ng 19 years. So right now, namumuhay ako nang healthy living. Nagbawas ako ng malaking sugar,” napangiting pahayag ni Joel Cruz.
- Latest






















