^

PSN Showbiz

Top Creator Awards

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Maraming celebrities ngayon ang rumaraket na sa online live selling. (bet ko ‘yang kumikitang kabuhayan!) ‘Yung iba ay kinukuha ng mga shopping app para magbenta ng iba’t ibang brands habang ‘yung iba may sariling produkto na kadalasan ay nakapangalan sa kanila. (may puhunan!)

May isang taon na nang sumalang ako bilang host ng online live selling at nag-e-enjoy ako. (gogogo ako dahil syempre may tf!)

Hindi na bago sa akin ang pagho-host (bilang medyo tita na ‘ko sa industryang ito!) pero ibang level din itong live selling dahil kailangan mong maka-convince nang bibili ng ibinebenta mo sa loob ng 3 hanggang 5 oras. (na dapat hindi nawawala ang energy ha!)

Nitong nakaraang linggo, nag-gawad ng Top Creator Award ang DJI Philippines at Shopee sa Shopee Hall sa Ortigas Center Pasig. 10 online live sellers ang pinili.

Anim dyan ay taga showbiz. (so feeling artista ako?!) Ang mga ito ay napili ay base sa kani-kanilang performance bilang creators and sellers.

Ang nasa top 10 ay sina: (na nakatanggap ng premium gifts ha!)

1. Rayver Cruz

2. Ryle Santiago

3. James Afante

4. Diane Medina

5. MR. FU (pasok ako sa banga!)

6. Kayla Heredia

7. Patsy Reyes

8. Bugoy Carino

9. Rodjun Cruz

10. Benedict Cua

Nakasabay ko na silang lahat kapag sumasalang ako sa live selling. (pero ‘di naman nag-aaway away!) Sina Ryle, Diane, Bugoy at Kayla ay minsan nakakasabay ko pa sa mismong lugar kung saan ako nag-la-live. (dingding lang ang pagitan!) Personal kong nakita ang kasipagan nila sa bagong karerang ito. (mas masipag sila sa’kin, mas maganda lang ako!)

Nagpapasalamat kami sa DJI Philippines at Shopee sa recognition na ito. Thank you rin sa mga viewers, buyers at brands na patuloy na sumusuporta sa amin. Tuloy-tuloy ang bentahan namin online! (kaya mag-done check out na!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

LIVE SELLING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with