^

PSN Showbiz

Ellen, malapit na ulit maging single?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ellen, malapit na ulit maging single?!
Ellen at Vanness
STAR / File

In the mood si Ellen Adarna na makipagbardagulan sa mga basher na ayaw siyang tigilan sa mga eksena niya sa katatapos na concert ng F4 sa Phi­lippine Arena last weekend.

Nagpaka-super faney nga kasi ang ex-wife ni Derek Ramsay sa concert ng F4 at tuwang-tuwa siya sa ginawang fangirling moments.

At kabilang sa mga ipinost niya ay ang video and pictures ng bonggang encounter niya sa isa sa miyembro ng grupong sumikat sa Meteor Garden na si Vanness Wu kung saan ay makikitang nakapasok siya talaga sa backstage.

Andun sa video na nag-bonding sila ni Vanness sa backstage habang naghahanda ito for the concert. At bongga, tinuruan pa niya ito ng ilang Tagalog words.

At totoo naman, paano nangyari na nakapasok siya sa backstage.

Hindi pinalampas ni Ellen ang mga nanlilibak sa kanya.

Ipinost niya ang isang komento ng faney kung ba’t siya nagkaroon ng access sa backstage.

Damay sa bashing ang producer ng concert na Live Nation Philippines.

“@livenationph u never disappoint us! I’m waiting to see which celebrity or influencer is backstage at BTS,” isa sa mga pang-iimbyerna ng mga fan.

Pinatulan talaga ito ni Ellen.

Aniya, mismong si Vanness ang nagbigay ng access sa kanila dahil kaibigan nito ang friend din niyang si Rovilson Fernandez.

“Before spreading false information please fact check first. Vanness perso­nally gave us backstage access through his friendship with @rovilsonfernandez. Live Nation had nothing to do with it. Ive been friends with Rovilson since before showbiz, and he’s been good friends with Vanness for years. They simply wanted to catch up, and we were fortunate enough to be invited along,” paliwanag ni Ellen.

Kasabay nito ang sermon-talak sa mga nag-aakusa.

“Not everything needs a conspiracy or special treatment. Sometimes its simply called friendship. Next time, verify your information before making accusations. Pag inggit, pikit,” sey ni Ellen.

Sa caption ay humirit pa siya ng litanya sa fans. “Sa mga bitter na faney, eto ang totoong nangyari. Mahirap ba talagang maging masaya na lang para sa iba? Hindi naman lahat ng bagay kaila­ngan gawan ng issue o kwento,” talak ni Ellen.

Kasunod nito ay sinagot din niya talaga ang isang fan sa post niyang “jowa reveal” about Vanness.

Kaya raw tuloy nag-post ito na may asawa na siya.

“Diba may asawa ka pa? You are still married. Also, sobrang kala mo makukuha mo lahat ng gusto mo, napa-wife reveal tuloy si Vanness. Gurl, you need to heal,” pagtataray ng basher.

Sinagot niya talaga ito. “Di mo alam kung anong feeling ng isang fan girl. Ma-unmarried na din ako in time. Wait ka lang. Tigilan Mona gamit na gamit na si Jesus sa mga taong katulad mo. Pangit no ka bonding,” resbak ng dating sexy actress.

Mabilis ang reaction nila sa nabanggit ni Ellen na ma-unmarried.

Malapit na bang matapos ang annulment nila ni Derek Ramsay?

ELLEN ADARNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with