^

PSN Showbiz

Ogie, may klinaro sa retirement ni Regine!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ogie, may klinaro sa retirement ni Regine!
Regine at Ogie
STAR / File

Nilinaw ni Ogie Alcasid na hindi magre-retire ang misis niyang si Regine Velasquez. Naniniwala siyang bahagi lang ng menopausal process ng misis ang sinabi nitong mamamahinga na siya. Pero ngayon aniya ay nakaka-recover na ito.

Maaalalang, sinabi ng Asia’s Songbird na magkakaron na siya ng finale concert on Oct. 17 and 18 para sa kanyang 40th anniversary sa showbiz. Gaganapin ito sa Mall of Asia Arena at aniya ito na raw ang kanyang last solo concert. Na ang impression ng lahat ay magreretiro na si Regine dahil nahihirapan na rin daw siyang kumanta.

Sa ginanap na pocket interview kahapon ni Ogie para sa kanyang Father’s Day concert titled Daddyokie next month, natanong sa singer-songwriter ang tungkol dito. “It was emotional. This is her love, aside from me. I remember — honey, sorry nalang, ikukwento ko — we were in London, nanood kami ng Coldplay. ‘Yung atmosphere ng concert, naramdaman niya and she got very emotional. ‘Di niya sinasabi sa akin, pero parang feeling ko, in her mind, sabi niya, mami-miss ko ‘to. Pero sabi ko nga sa inyo, I don’t think she is going to stop, lalo pa ngayon. Ang galing-galing pa rin niya,” paliwanag ni Ogie.

At napag-usapan daw nila ito: “Nag-usap kami nang masinsinan. Sabi ko sa kanya, ‘hon, kung pagod ka na, and you feel like you wanna spend more time with Nate (their son) and with the family, don’t worry, we’ll all be okay.’ I think at the back of her mind, nagwo-worry siya do’n, eh. But ako, feeling ko, she’ll be singing forever,” dugtong niyang paliwanag.

Ramdam din niyang nakaka-recover na ang misis. “I think there was a time, because of her menopause, it was very difficult for her to sing. But now I think she’s recovering. She’s healing very well.”

Pero lagi siyang nakasuporta sa ikaliligaya ng kanyang misis. “As a husband, I think, ang priority ko, ‘yung okay siya, eh. Ang daming nagmamahal kay Regine, mga fans niya, mga solid Reginians who really – nababasa ko, eh – enjoy seeing her.

“Pero a lot of them are also accepting, ‘sige ate, kung talagang ano ka na, tanggap namin ‘yan, pero huhuhu.”

Dagdag niyang paliwanag kung ba’t hindi magre-retire ang misis: “Ang galing-galing pa rin niya, eh. Lagi niya akong tinatanong kung ok ba siya. ‘Hon napakinggan mo itong recording.’ Tapos ‘yung performance niyang isang araw, meron siyang pinuntahan na private show. ‘Hon, pakinggan mo ‘yung boses ko.’”

Sa kuwentong ito ni Ogie, tiyak na maraming masaya.

Anyway, ayon kay Ogie ang Daddyokie ay concert daw for all the daddies, young and old.

Pinaghahandaan daw niya ang mga kantang tiyak na makaka-relate ang mga dakilang ama.

“It’s very different from all the concert na ginagawa ko, kasi ‘yung mga concert ko, laging kanta ko lang ang kinakanta ko. So, this time around, it’s a throwback sa lahat ng songs na kinalakihan natin,” sabi niya.

“Mga tatay naman ang pakakantahin ko, so it’s a chance also for the daddies to jam with me,” pagbibigay niya ng impormasyon tungkol sa Daddyokie sa June 19 and 20, 8:00 p.m. sa Proscenium Theater in Rockwell, kung saan ay magiging guest sina Bela Padilla and Karylle.

OGIE ALCASID

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with